7

1548 Words
“Kumusta ka naman diyan sa likod? Nakakatulog ka naman ba ng maayos? Huwag kang mahiyang gumamit ng aircon, ha? Baka hindi ka gumagamit dahil nahihiya ka sa kuryente. Hindi mo na kailangan pang mag- ambag hangga’t nandito ka sa puder ko nakatira. Masaya na akong natutulungan kita. Ako ang mayroon sa atin kaya ako ang tutulong sa iyo,” wika ni Cara bago nginitian ang kaniyang kapatid. Nahaplos naman ang puso ni Elara sa sinabi ng kapatid. Ngayon nauunawaan na niya kung bakit nag- uumapaw ang biyaya sa pamilya ng kaniyang ate dahil mayroon itong mabuting puso. Kaya ang naging paghihirap niya noon sa unang asawa ay bawing- bawi sa pangalawang asawa nitong si Clyde. "Maayos na maayos po ate. Maayos ang tulog ko. Nararanasan ko ng matulog ng mahabang oras. Hindi katulad noon na hindi ako nakakatulog ng maayos. Magulo ang isip ko... hindi ako panatag," wika ni Elara sabay ngiti ng alanganin. Bumuntong hininga si Cara. "Ganoon talaga dahil hindi ka mapanatag sa ex mong tarantado. Pero hayaan mo na. Ang mahalaga, wala ng kayo. Ang gusto ko lang sana, huwag mo ng babalikan pa ang lalaking iyon. Please lang, Elara. Napakaraming lalaki pa diyan. Oo alam ko na dapat talaga, may boyfriend ka na dahil ilang taon ka na pero kasi... kung lolokohin ka lang naman, bakit hindi mo muna ipahinga ang puso mo 'di ba? Siguro ilang taon muna ang palipasin mo bago ka umibig ulit. Ayokong makikita ka pang kasama ang lalaking iyon. Magagalit talaga ako sa iyo." "Opo, ate. Hindi ko po babalikan ang lalaking iyon. Wala na po akong planong makipagbalikan sa kaniya kahit mahal ko pa rin s'ya hanggang ngayon. Hindi naman kasi madaling kalimutan na lang basta ang isang taong matagal mong nakasama. Ilang taon din kaming nagsama ng hayop na iyon," inis na wika ni Elara. "Alam ko naman iyon. Kahit na ako, ganoon din ako sa una kong asawang si Justine. Pero ngayon okay na kaming lahat. Sana mapanindigan mo ang sinabi mong hindi mo na siya babalikan. Concern lang ako sa iyo. Ayoko lang na masaktan ka ulit." Tipid na ngumiti si Elara. "Opo, ate. Marami pong salamat." Matapos ang kwentuhan nilang iyon, bumalik na si Elara sa kaniyang munting bahay para magpahinga. Day off niya ngayon kaya gusto na niyang matulog na lang buong maghapon. Tinatamad naman siyang umalis dahil wala siyang kasama. Ipinikit na niya ang mata niya nang makatanggap siya ng message kay Clifford. Niyayaya siya nitong lumabas. 'Tsk. Papansin talaga ang manyak na ito. Pero nakakatamad din kung dito lang ako. Wala naman sigurong masama kung sasama na lang ako sa kaniya, 'di ba? Humanda naman siya sa akin kapag may ginawa siyang kamanyakan sa akin!' Humanap si Elara ng kaniyang masusuot bago naligo na. Naglagay siya ng kaunting make up sa mukha upang lumitaw lalo ang gandang mayroon siya. Nakasuot siya ng maong na short at saka crop top kung saan bahagyang makikita ang kaniyang cleavage. Napakaganda ni Elara at ang sexy masyado. Napangiti siya sa salamin habang nakatingin sa salamin. 'Tapos na ako sa pagiging manang era ko. Ito na ang uso ngayon. Kaya naman ako iniwan ng g agong iyon dahil sa porma ko. Puwes, maglaway siya ngayon.' Bumuntong hininga si Elara bago lumabas na ng bahay na iyon. Ayaw na niyang magpasundo pa kay Clifford kaya naglakad na siya palabas ng subdivision na iyon patungo sa sakayan ng jeep. Saglit lang ang naging byahe niya nang makarating siya sa mall kung saan sila magkikita ni Clifford. Napanganga ang binata nang makita siya nito. Sumasayaw ang mahaba at straight na buhok ni Elara sa hangin. Napapatitig ang mga kalalakihan sa kaniya. Talagang agaw pansin ang ganda ni Elara pati na ang magandang kurba ng katawan nito. Tiningnan ng masama ni Clifford ang mga lalaki doon bago siya bumaling sa dalaga. "Bakit ka nagsuot ng ganiyan? Bakit ka nag - short? Gusto mo talagang ibalandra ang makinis mong hita?" nakabusangot ang mukhang wika ni Clifford. Inirapan siya ni Elara. "Wala kang pakialam kung ano man ang suotin ko, okay? At saka tama ka. Ang pangit nga ng porma ko. Mukhang pang sinaunang tao pa kaya simula sa araw na ito, hindi na ako magsusuot ng ganoon. At saka bakit ka na nagrereklamo diyan? Sino ka ba? Bayaw lang kita hindi asawa mo boyfriend. At isa pa, kita ba s**o ko at p uki ko sa suot kong ito?" Nanlaki na lang ang mga mata ni Clifford sa sinabing iyon ni Elara. Parang ang angas ng dating ni Elara para sa kaniya. Humalukipkip ang dalaga sabay siko kay Clifford. "Ano?! Titingnan mo na lang ako? Simpleng short at crop top lang ito, huwag mong sabihing tinigasan ka na diyan?!" Halos malaglag ang panga ni Clifford bago tumawa ng malakas. "What? Ako? Titigasan sa iyo? Never! Pangit mo! Akala mo naman ang ganda mo. Halika na nga! Nagugutom na ako!" aniya at saka nauna ng naglakad. Umikot ang mga mata ni Elara sabay iling. Hindi niya maintindihan ang kaniyang bayaw at naiinis din siya sa kayabangan nito. 'Ang kapal ng lalaking ito! Talaga lang, ha? Never ka pa lang titigasan sa akin. Baka maging kasing tigas ng bato iyan kapag naghubad ako sa harapan mo. Huwag mo akong sinusubukan! Hindi kita aatrasan!' HINDI MAKASUBO NG AYOS SI CLIFFORD dahil nadi- distract siya sa cleavage ni Elara na nasa kaniyang harapan. Malaki ang hinaharap ni Elara. Kaya naman ang sexy nito sa suot niyang crop top. Hindi maitatanggi ni Clifford na napanganga siya kanina nang makita niya ito. Ang bilugang hita ni Elara ang isa sa gusto niya sa babae. Mahilig kasi siyang manghimas ng hita at mamisil. Idagdag pa ang manipis nitong baywang. Tunay na magkapatid sina Elara at Cara dahil sa nakaaakit na ganda ng dalawang ito. At ngayon, naaakit siya sa kaniyang hipag. 'Tangina naman! Hindi ako dapat tigasan sa babaeng ito! Baliw ang babaeng ito eh! Isip bata pa! At saka ayoko ng masyadong maangas! Ayoko ng inaangasan ako! Gusto ko, ako lang ang maangas at matatakot sa akin ang babae!' Napansin ni Elara ang pagiging balisa ni Clifford kaya sinipa niya ito sa binti. Napangiwi ang binata dahil may kalakasan iyon. "Ano ba? Bakit ka ba naninipa diyan? Eh kung sipain din kaya kita!" asik niya sa dalaga. Umarko ang kilay ni Elara. "Go. Sipain mo ako ng magkasubukan tayo," matapang nitong sabi. Lalong nangitngit sa inis si Clifford. Hindi kasi siya sanay na nagpapatalo sa babae. Madalas ang babaeng lumalandi sa kaniya ay susunod sa mga gusto niya. "Tsk. Ang yabang akala mo kung sino. Nawalan na ako ng ganang kumain," pabulong niyang sabi. "Eh 'di mawalan ka. Pakialam ko naman sa iyo.. Ikaw naman ang magbabayad nito at hindi ako dahil ikaw ang nagyaya. Pangit mo naman kasama. Sa susunod, hindi na ako sasama sa iyo," ani Elara bago nagpatuloy sa kaniyang pagkain. Napahawak si Clifford sa kaniyang sintido. Paano niya ba kasi sasabihin na distracted siya sa malaking dibdib ng dalaga? Paano niya magagawang sabihin iyon ng diretso kung nahihiya siyang sabihin? Tila natanggal ang angas niya! 'Nakakainis ang babaeng ito! Dapat pang manang na lang sana nag suot niya para hindi ako nagkakaganito! Ang sarap dakmain ng s uso niya at lamas- lamasin p uta!' Tumikhim si Clifford upang kalmahin ang sarili bago nagpatuloy na sa pagkain. Naging tahimik na silang dalawang kumain. At nang matapos nila, nagpasama siya saglit sa dalaga sa isang store ng mga damit. Bumili siya ng maraming damit at binilhan niya rin si Elara. Puro mga sexy na damit ang pinili nito. Sinubukan niya pa sanang sawayin ito pero hindi pumayag ang dalaga kaya wala siyang nagawa. "Hatid na kita." Umiling si Elara. "Hindi na. Kaya kong mag- commute." "Eh paano kung manyakin ka sa jeep?" iritable niyang sabi. Tumigil sa paglalakad si Elara bago humarap sa kaniya. "Eh 'di babanatan ko. Hindi naman ako papayag na manyakin na lang ako ng kung sino." "Mabuti naman kung ganoon. Ako lang ang may karapatang manyakin ka," aniya bago ngumisi ng nakaloloko. Hindi kaagad nakapagsalita si Elara. Sa halip, naningkit ang mata nito at akmang hahampasin si Clifford ngunit bigla na lamang itinutok ng binata ang kaniyang harapan kay Elara kung kaya't ang kaniyang alaga ang nahampas nito. Natigilan si Elara kasabay ng panlalaki ng kaniyang mga mata. "Ang manyak mo! Bakit mo hinampas ang junjun ko!" tumatawang wika ni Clifford. "Ano?! Hayop ka! Sinadya mong itutok sa akin iyan kaya nahampas ko!" Tila kamatis sa pula ang mukha ni Elara. Gumuhit ang nakalolokong ngiti sa labi ni Clifford. "Paano ba iyan, hindi ako pumapayag na hindi makaganti kaya humanda ka sa akin." "Ano?! Huwag ahhh!" Akma sanang tatakbo palayo si Elara ngunit hindi na niya nagawa nang hatakin siya ni Clifford bago nito dinakma ang kaniyang malusog na dibdib na kanina pa dumi- distract sa binata. "Wow! Ang lusog naman nito!" sambit ni Clifford habang pinipisil- pisil ang dibdib ni Elara. "Hayop ka talaga! Manyakis ka!" Bilang ganti, pinisil ng sobra ni Elara ang p agkalalaki ni Clifford kasama ang betlog nito kung kaya napaluhod sa sakit ang binata. Nanghina siya sa ginawang iyon ng dalaga at hindi niya ito inaasahan. "Tsk. Buti nga sa iyo. Kadiri ka ang naninigas t iti mo," sambit ni Elara sabay takbo palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD