Ilang araw ang lumipas, naiwang umiiyak si Janica sa puntod ng kaniyang anak. Sobrang sakit pa rin sa kaniya ang bigla na lang pagkawala ng anak niya. Akala pa naman niya, tatagal pa si Louie ng ilang buwan kagaya ng sinabi ng doctor pero nagkamali siya. Basta na lang kinuha sa kaniya ang kaniyang anak. "Janica... uminom ka muna kaya ng tubig. Baka ma-dehydrate ka naman iyan," wika ni Elara sa kaniyang tabi nang lapitan siya nito at abutan ng tubig. Pinahid ni Janica ang kaniyang mga luha nang lingunin niya si Elara at kunin ang inaabot nitong tubig sa kanya. "Maraming salamat, Elara. Pero bakit hindi pa pala kayo umaalis? Hayaan niyo na lang ako dito. Gusto ko pang makasama ang anak ko kaya dito na lang muna ako," nakangiting wika ni Janica ngunit lumuluha naman ang kanyang mga mata. "

