"Ayos ka lang ba, sweetheart?" malambing ang boses ni Elara nang lapitan niya ang kaniyang asawa. Nakatulala lamang kasi si Clifford kanina pa at malungkot ang mga mata nito. Mabigat kasi ang loob ni Clifford habang iniisip niya ang kaniyang yumaong anak. Masakit sa kaniya ang maagang pagkawala nito kahit na saglit niya lamang itong nakasama. "Ayos lang naman ako kahit papaano, sweetheart. Hindi ko lang maiwasang maging malungkot dahil kahit sandali ko lang nakasama si Louie, alam kong malambing siyang bata." "Naiintindihan kita pero kailangan mong mag-move on. Lalo pa't may pamilya ka. At kami iyon ng anak mo. Huwag mo sanang kalimutan iyon, sweetheart. Inintindi ko naman ang sitwasyon mo at hindi naman ako nagalit. Nasaktan ako, oo. Syempre, masakit talaga ang ganoon eh. Pero iyon na

