Lumipas ang ilang buwan, naging mapayapa ng muli ang buhay mag-asawa nina Clifford at Elara. Walang ibang naging hobby si Clifford kun'di ang makipag-bonding sa kaniyang mag-ina. Malaki na ang tiyan ni Elara. Dalawang buwan na lang, manganganak na siya. Excited na nga siyang manganak dahil sinabi niya kay Clifford na last na iyon. Ayaw na niyang magbuntis pa. "Sweetheart, ayoko na, ha? Last na ito. Please lang. Gayahin na lang natin sina ate Cara na dalawa lang ang anak. Nakakapagod magbuntis at hindi madali. Kaya sana, maintindihan mo ako," nakikiusap ang tinig ni Elara sa kaniyang asawa. Bumuntong hininga si Clifford. "Ikaw ang bahala, sweetheart. Pero sana, magbago pa ang isip mo. Kahit na tatlo sana ang maging anak natin. Masayang-masaya na ako doon." Hindi naman umimik si Elara. Sa

