"Samira?" banggit ni Everson nang makita niya ang dalagang si Samira na nagtitinda ng kakanin sa tabi ng malaking simbahan doon. Hindi man halata kay Everson ngunit nagsisimba siya dahil palasimba ang kanyang mga magulang. Hindi naman talaga nagsisimba ang daddy Clifford niya pero dahil sa kaniyang mommy Elara, naging palasimba na siya. Parehas lang naman sila ng simbahang pinupuntahan ngunit mas gusto ni Everson na magsimba mag-isa. Hindi siya sumasabay sa kanyang pamilya. May sarili naman kasi siyang sasakyan ngunit hindi siya nagmamaneho nito kahit na marunong na siya. Wala pa kasi siya sa hustong gulang para kumuha ng lisensya. Nagpapa-drive lamang siya sa kanilang driver. Alanganing ngumiti si Samira at saka inayos ang kanyang nakalugay na buhok. Basa na ng pawis ang noon niya dahi

