"Samira!" Napalingon ang dalagang si Samira nang tawagin siya ni Everson. Ngunit mabilis siyang tumakbo palayo sa binata na siyang ikinagulat at ipinagtaka ni Everson. "Bakit siya tumakbo palayo?" bulong niya sa sarili. "Hoy, Everson! Sino ang tinitingnan mo diyan?" tanong ng kaibigan niyang si Martin. Nilingon niya ito. "Si Samira." "What? Samira? At kailan ka pa nagkaroon ng interes sa babaeng iyon? Alam mo bang pinandidirihan siya ng mga kaklase natin?" Matalim niyang tiningnan si Martin. "At isa ka na ba doon?" Nagulat si Martin sa matalim niyang titig kaya napaatras ito at saka umiling. "H-Hindi syempre. Pero hindi ko lang talaga kinakausap si Samira. At saka palaging nasa likuran iyon eh. Malayo sa mga kaklase natin." "Pinandidirihan niyo siya dahil mahirap lang siya, ganun b

