"Samira, bakit parang lumalayo sa akin o iniiwasan ako? Dahil ba ito kay Sophia?" Nakita niya ang gulat sa mata ng dalaga. "H-Ha? H-Hindi naman ako l-lumalayo sa iyo. T-Talagang sanay lang akong mag-isa at hindi nakikihalubilo sa inyo." Umarko ang kilay ni Everson habang nakatingin kay Samira. Pinagmamasdan niya ang mukha nito. At nagkagulatan pa nga silang dalawa nang magtama ang kanilang paningin. Una siyang nag-iwas lalo pa't hindi niya rin napansin na kanina pa siya nakatitig sa dalaga. "N-Naiintidihan ko pero gusto ko lang malaman mo na g-gusto kong m-makipagkaibigan sa iyo," aniya sabay lunok ng laway. Napatingin sa kaniya si Samira at bakas sa mukha nito ang labis na pagkagulat. "S-Sa akin? M-Makikipagkaibigan ka? B-Bakit?" Nagsalubong ang makapal na kilay ni Everson. "Anong b

