"Hoy! Talagang hindi ka nahihiya, ano? Ang kapal ng mukha mong lumapit-lapit kay Everson! Mahiya ka naman sa itsura mong dugyot!" bulyaw ni Sophia nang makita niyang naglalakad mag-isa si Samira. Tumikhim si Samira sabay kuyom ng kamao. Ayaw niyang makipag-away. Hangga't maaari, umiiwas siya sa gulo. Ngunit kung talagang masasaktan na siya ng kahit na sino, talagang lalaban siya. Sanay siya sa hirap. Kaya naman sanay din siya sa mga ganiyang bagay lalo pa't malakas ang katawan niya. "Hindi ako lumalapit sa kaniya. Siya ang lumalapit sa akin." Natawang bigla si Sophia at saka humalukipkip. "Ang taas din pala talaga ng pangarap mo, ano? Sabagay, kapag mga mahihirap, matataas ang pangarap. Kasi iyon lang ang kaya niyong gawin. Mangarap!" Bumuntong hininga si Samira. Mahigpit niyang hinawa

