'Anong ibig sabihin nito? Bakit hindi ako kilala ni Clifford? Ano ang nangyari sa kaniya? Bakit wala siyang maalala tungkol sa akin?' Hinawakan ni Elara ang kaniyang ulo habang nakaupo. Gulong-gulo ang isipan niya. Hindi siya puwedeng magkamali dahil si Clifford ang lalaking kausap niya. Kinuha niya ang kaniyang cellphone ngunit walang signal sa lugar na iyon kaya hindi niya magagawang tumawag. Lumabas siya ng kaniyang tinutuluyan at nagtungo sa tirahan ni aling Beth. "Aling Beth! Saan po ba sa parte ng islang ito ang may signal?" naghihikahos niyang sabi. "Naku, hija walang signal sa lugar na ito. Tatawid ka pa ng isla. Trenta minutos din mula dito pero wala ng tumatawid ng ganitong oras. Depende na lang kung talagang emergency dahil gabi na. Bukas na ulit ng umaga. Bakit? May tatawa

