"Sir Clifford, may kailangan po ba kayo?" tanong ng lalaki. Umiling is Clifford. "Wala. Gusto ko lang mapag-isa." "Sige po, sir. Kapag may kailangan po kayo, tawagin niyo lang po ako," wika ng lalaki bago umalis. Humugot ng malalim na paghinga si Clifford. Kinuha niya ang picture nilang dalawa ni Lara at saka ito pinagmasdan. Tiningnan niya rin ang malaking wedding picture nila sa kuwarto. Habang tinitingnan niya ang larawan nila, hindi niya alam kung bakit tila wala siyang nararamdaman na kahit ano. Ang huling naaalala ni Clifford, sila pa ring dalawa ni Lara. Magkasintahan pa rin sila at mahal na mahal niya ang kaniyang nobya. Iyon ang nasa kaniyang alaala nang magising siya. Ngunit hindi niya alam kung bakit parang may mali. Parang may kulang. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing

