"Sigurado ka ba na binabantayan talaga ng bayaw mong si Clifford ang kapatid mo? Baka naman tuhugin niya rin 'yon," nakangiwing wika ni Jonah. Natawa naman si Cara. "Grabe ka naman doon. Hindi naman siguro. Maloko lang si Clifford pero hindi naman siya ganoon kamanyak para gawin iyon sa kapatid ko. At saka sa nakikita ko, nagiging maayos na ulit ang kapatid ko. Bumabalik na ang dating sigla niya. Paano ba naman kasi, palagi siyang binubuwisit ni Clifford." "Kahit sino naman maiinis doon dahil ang lakas ng trip. Ang hilig mang- asar. Ibang- iba sa kapatid niyang si Clyde. Magkasalungat sila ng ugali," naiilang pang sabi ni Jonah. Natawa na lamang si Cara. May tiwala kasi talaga siya kay Clifford dahil hindi naman niya ito nakikitaan ng kung anong masamang balak sa kapatid. At isa pa, ma

