Lumipas pa ang ilang buwan, first day of school na naman nila bilang 4th year student. Panibagong hamon na naman iyon para kay Samira. Ngunit sa isip niya, alam niyang makakayanan niya ang lahat. Kaunting panahon na lang, makakapagtapos na siya ng highschool. "Kinakabahan ako ngayong taon. Baka ngayong taon na ako bumagsak. Eh ang sabi pa naman, ang daming 4th year student ang umuulit. Kasi pagdating ng third grading, puro group activities na iyan. Tapos thesis pa. Hay naku! Hindi ko na alam kung makakaya kong malampasan ang lahat!" kabadong sambit ni Maureen. Tinawanan siya ni Samira. "Huwag ka ngang panghinaan ng loob! Kung magiging ganiyan ka lang, walang mangyayari. Hindi ka talaga makakapagtapos niya. Kahit hindi mataas ang maging marka natin, basta makapasa, ayos na iyon!" "Sus!

