"Woah! Ang ganda ng set up! Sobrang ganda!" namamanghang sabi ni Samira nang makarating siya sa bahay nina Everson. Napakaganda at elegante kasi ang naging set up ng catering services doon dahil talaga namang mahal din ang naging package nito. Maraming bisita ang nandoon. At kalimitan dito ay mga kaibigan nilang mga negosyante. "E-Everson... p-parang nakakahiya talaga. Sobra akong nahihiya. Alam kong hindi ko ito dapat maramdaman pero nanliliit ako. Pasensya ka na. Alam mo namang magkaiba tayo ng mundo. Kaya hindi ako sanay sa ganito. At sobra akong nahihiya," nakayukong sabi ni Samira matapos pagmasdan ang mga bisita doon. Humarap sa kaniya si Everson at saka itinaas ng bahagya ang kaniyang mukha kaya naman napatingin siya sa binata. "Wala kang dapat ikahiya, Samira. Imbitado ka dit

