46

1005 Words

Pauwi na sana si Elara nang harangin siya ni Sean. Medyo nairita siya sa binata ngunit hindi niya ipinahalata iyon. Bigla kasi siyang nairita kay Sean simula nang umamin si Clifford sa kaniya ng tunay nitong nararamdaman. At dahil doon, wala na tuloy pakialam sa ibang lalaki si Elara. Wala ng mas guwapo pa kay Clifford para sa paningin ni Elara. "Ano ba iyon? Kanina ka pa. Medyo nakakairita ka na, ha. Pauwi na ako panay pa ang tawag mo. Dedede ka ba?" iritableng saad niya. Bahagyang nagulat naman si Sean at parang napahiya. "I'm sorry. Gusto ko lang namang makausap ka. Galit ka ba sa akin?" 'Tsk! Kainis naman ang lalaking ito! Naging pangit tuloy siya sa paningin ko eh. Panay pa kasi ang papansin sa akin! Hindi ko naman siya gusto. Hindi ba niya maramdaman iyon? Banatan ko na lang kaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD