"Maganda rin pala ang inuupahan mong ito. Hindi ka na lugi sa renta at talagang napakalapit lang sa mall," wika ni Cara habang pinalilibot ang mata sa loob ng bahay na iyon. Umiikot din ang mata ni Elara dahil tinitingnan niya kung may gamit bang naiwan sa bahay na iyon si Clifford. Mabuti na lang at wala. Pinadadala niya kasi kay Clifford ang lahat ng gamit nito para walang bakas sa bahay na iyon kung sakaling dumalaw doon ang kaniyang ate. "Opo, ate. Kaya okay na okay ako dito. Ayos din ang mga tao dito. Wala namang mga pakialamera dito," saad ni Elara. Tumango-tango si Cara. "Mabuti naman kung ganoon. Dinalaw lang talaga kita dito para malaman ko kung nasa maayos ka na kalagayan. At mukhang maayos naman. May kailangan ka ba kung sakali? May pera ka pa ba diyan?" "Wala naman po akong

