"Tarantado talaga ang ex mong iyon, ano? Talagang ginagago ako! Noong una, nilandi niya ang babaeng natitipuhan ko. Tapos ngayon, nilalandi niya ulit ang babaeng gusto ko! Gago ka talaga kahit kailan! Talagang inaasar niya ako, ha?" galit na wika ni Sean sabay laklak ng alak. Natawa ng mahina si Lara. "Malandi talaga ang isang iyon. At wala ka ng magagawa. Actually, nami-miss ko nga rin siya eh. Simula nang maghiwalay kami ng lalaking pinalit ko sa kaniya, na-miss ko lang siyang bigla. Humahanap lang ako ng tiyempo para bumalik ulit sa buhay niya." "Ang tanong, makikipagbalikan pa kaya siya sa iyo?" Gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ni Lara. "Alam mo naman siguro kung gaano kabaliw sa akin si Clifford. Kulang na nga lang magpakamatay siya noong iniwan ko siya. Nagmakaawa na parang as

