"Ate?" Papasok na sana sa kaniyang trabaho si Elara nang makarinig siya ng katok mula sa pinto ng kaniyang tinitirahan at bumungad sa kaniya ang masayang mukha ng kaniyang ate. May dala itong malaking eco bag para sa kaniya. Pumasok na sa loob si Cara at inilapag ang pasalubong niya sa kapatid. "Para sa iyo. Pasalubong ko mula sa lugar na pinuntahan namin. Hays, grabe kapagod sa byahe pero enjoy naman ang aming bakasyon buong pamilya. Sobra akong nag-enjoy. Kumusta ka naman dito? Dinadalaw ka naman ba ni Clifford?" Mabagal na tumango si Elara. "O-Opo, ate. M-Minsan po dumadalaw siya s-saglit," pagsisinungaling niya bago ngumiti ng pilit. Tumango-tango si Cara. "Mabuti naman kung ganoon. Kumusta naman kayong dalawa? Kumusta siya sa iyo? Close naman ba kayo? Papansin ba siya sa iyo? Nila

