"Saan mo ako dadalhin? Baka hanapin na ako ni ate Cara!" bulyaw ni Elara sa binata. "Hayaan mo muna ang ate mo. Mas importante ang magaganap sa atin ngayon. Hindi ka ba naiinggit sa ate mo na palaging dinidiligan ni Clyde? Palaging bakbakan sa kama ang dalawang iyon. Kaya dapat ganoon din tayong dalawa. Gayahin natin sila," pang-uuto pa ni Clifford. Umarko ang kilay ni Elara. "At bakit naman natin sila gagayahin? Mag-asawa sila eh tayo? Ano ba tayo? Wala naman tayong relasyong dalawa. Bayaw na hilaw lang kita. Iyon lang iyon." Ngumisi si Clifford habang nakatuon ang tingin sa kalsada. "Walang bayaw-bayaw sa akin, Elara. Huwag ka ng magsalita pa kung ayaw mong dito kita sa tabing kalsada birahin." Napalunok naman ng laway ang dalaga. Bumilis ang pintig ang kaniyang puso at saka kinabaha

