"Clifford..." Napatingin siya nang marinig ang kaniyang pangalan. Naglakad palapit sa kaniya ang kapatid niyang si Clyde at naupo ito sa kaniyang harapan. Seryoso ang mukha ni Clyde habang nakatingin sa kaniya. Hindi tuloy maiwasang kabahan ni Clifford. "Bakit? May kailangan ka ba? May mali na sa naging trabaho ko?" tanong niya. Umiling ang kaniyang kambal. "Wala. Pero may gusto lang sana akong linawin sa iyo." Makailang ulit na lumunok ng laway si Clifford habang hinihintay ang sasabihin ng kaniyang kapatid. "Ano ba iyon at ganyan ba talaga ang mukha mo? Seryoso masyado kaya nakakatakot minsan at nakakakaba kapag may mga tanong ka," mahina siyang natawa. Hinawakan ni Clyde ang kanyang sintido. "Gusto ko lang malaman kung talaga bang binabantayan mo lang ang kapatid ng asawa ko o baka

