"Ako na ang bahala diyan. Ako na ang mag-asikaso niyan. Magpahinga ka na," sambit ni Clifford nang ilapag niya sa mesa ang mga pinamili ni Elara. "Ang sweet naman. Parang asawa lang ang datingan," panunudyo ni Elara. Ngumisi si Clifford. "Ikaw na lang ang ituturing kong asawa. Ikaw na lang ang asawa ko. Kapag wala si Lara, tayong dalawa ang mag-asawa." "G ago ka! Kabit na kabit na talaga ang datingan ko! Ganito pala ang pakiramdam na maging isang kabit? Medyo exciting?" "Baliw ka talaga. Mahiga ka na doon sa kama mo at magpahinga. Ako na ang bahala dito. Ipagluluto kita ng masarap na ulam natin ngayong tanghali. Este, hapon na rin pala dahil alas dos na. Medyo late na tayong kakain ng tanghalian pero ang mahalaga, kakain pa rin tayo." "Tsk! Ewan ko sa iyo ang dami mo namang sinasabi

