"Saan ka pupunta? Aalis ka?" Malungkot ang tinig ni Clifford nang sabihin niya iyon. Napakurap si Elara bago ngumiti ng tipid. "Oo... tatawid ako sa isla. May pupuntahan lang ako sandali. Bakit?" Nagulat siya nang hawakan siya sa kamay ni Clifford. "Talaga? May pupuntahan ka lang sandali? Baka hindi ka na bumalik." Nanlaki ang mata ni Elara nang makitang gumuhit ang lungkot sa mukha ni Clifford. Ilang beses siyang kumurap habang nakatingin sa binata bago niya hinaplos ang pisngi nito. "Bakit? Natatakot ka ba na hindi na ako bumalik sa lugar na ito?" Mabagal na tumango si Clifford. "Oo... natatakot ako. Marami pa akong gustong malaman tungkol sa iyo... marami pa akong tanong na hindi pa nasasagot kaya sana bago ka umalis sa lugar na ito, hayaan mo muna akong malaman ang sagot sa mga

