"Elara..." Nilingon niya si Clifford. Nasa dalampasigan siya habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Nami-miss niya kasi ang kaniyang anak. Iniisip niya kung nasa maayos na kalagayan lang ba silang dalawa ni Dahlia. "Bakit nandito ka? Hindi ka pa ba matutulog? Gabi na ha," wika ni Clifford na tumayo sa kaniyang tabi. "Hindi pa siguro. Nagpapahangin muna ako saglit para kapag dinalaw na ako ng antok, diretso na ako sa kama. Tulog na kaagad," mahinang tugon niya. Tumingin sa kaniya si Clifford. "May problema ba? Mukhang malalim yata ang iniisip mo. Puwede mo akong pagsabihan ng problema mo. Makikinig ako." Bumuntong hininga si Elara habang nakatingin kay Clifford. Hindi niya alam kung bakit siya naiiyak. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya, malayo pa rin sa kaniya si Cli

