"Puwede bang ayusin mo naman ang pananalita mo? Ang bastos kasi eh. Para kang hindi babae kung magsalita." Kakamot-kamot sa ulong sambit ni Clifford. Tinawanan siya ni Elara. "Anong bastos doon eh iyon naman talaga ang ginagawa mo sa akin at iyon ang tawag doon? Pinoy ako kaya Tagalog ang gagamitin kong salita para ginagawa kong iyon sa akin. Huwag kang mag-alala, hindi ko naman iyon gagawin sa iba. Depende na lang kung magkakaroon ako ng boyfriend. Syempre, tlaga ng ginagawa ang bagay na iyon." Nagtiim bagang si Clifford sabay hingang malalim. "Hindi ka pa puwedeng magkaroon ng boyfriend, Elara. Kagagaling mo pa lang sa break up. Hindi ka pa magaling talaga. Hindi pa naghihilom ang sugat sa puso mo. Pero kaya kong gamutin iyan. Kaya mas mainam na wala kang ibang kaibigan na lalaki. Puw

