"C-Clyde... please nagmamakaawa ako... huwag mong sasaktan si L-Lara. Ako na lang ang saktan mo. Ako na lang ang magbabayad ng lahat ng kasalanan niya," lumuluhang wika ni Sean. Bumuga ng hangin si Clyde habang hawak ang baril. Wala naman talaga siyang planong pumatay ng tao. Kahit na galit na galit siya, hindi pumasok sa isip niya ang pumatay. Ang batas na ang bahala kina Sean, Lara at sa halimaw nitong ama. "Hindi ko sasang-ayunan ang sinasabi mo. Dalawa kayong sumira sa buhay ng kapatid ko at sa babaeng minamahal niya. Alam mo bang buntis si Elara noong umalis kinidnap niyo si Clifford? Hindi niyo alam kung gaano nagdusa si Elara! Araw-araw siyang umiiyak kaiisip sa kapatid ko. Pati ang asawa ko, apektado sa mga nangyayari dahil mahal niya ang kapatid niya! Tapos ngayon, sasabihin mo

