"P-Paanong nagkaroon ka ng anak sa iba? Ano ito? Dati mo pa alam? O ngayon mo lang nalaman?" nanginginig ang labing wika ni Elara bago umagos ang luha sa kaniyang mga mata. Pinahid ni Clifford ang kaniyang mga luha. "Kailan ko lang nalaman. Nitong nakaraang linggo lang. Kahit ako nagulat nang biglang sumulpot iyong babaeng iyon na ang pangalan ay Janica. Si Rain ang kinausap niya bago ako. Para makasigurado kung sa akin nga, nagpa-DNA test kami at nalaman kong sa akin ngang talaga. Na-stress din ako dahil kung kailan ayos na ang pamilya natin, saka pa may ganoon. Pero walang intensyon si Janica na manira ng pamilya. At wala nga sana siyang balak na ipakilala sa akin ang anak namin kung wala lang itong sakit." "S-Sakit?" "Oo... may cancer siya. Stage 4. Ang sabi sa akin ni Janica, lalong

