"Nasaan na si Lara? Hindi pa rin ba siya bumabalik?" tanong ni Clifford sa tauhan ng kaniyang asawa. Umiling ang lalaki. "Hindi pa po, sir. Wala po ba siyang message sa inyo?" "Paano siya magme-message sa akin eh walang signal sa lugar na ito?" Napahiyang yumuko ang lalaki. "Pasensya na po, sir. Kung gusto niyo, tatawid muna ako sa kabila para tumawag kay madam. Baka may ipapabili po kayo para makabili na rin ako." "Wala. Gusto ko lang malaman kung kailan ba siya babalik." "Sige po, sir. Alis na po ako." Simpleng tango lang ang isinagot ni Clifford sa lalaki bago niya isinara ang pinto. Nagtungo siya sa kaniyang kuwarto at saka mabilis na inalis ang kaniyang mga suot. Pumasok siya sa loob ng banyo at binuksan ang shower. Yumuko siya at dinama ang malamig na tubig na nagmumula doon. S

