Pinagmasdan ni Elara ang natutulog na si Clifford sa kaniyang kama. Maingat niyang hinaplos ang pisngi nito. Kahit papaano, masaya na siyang kapiling ang lalaking mahal niya kahit na nakaw na sandali lamang iyon. Bahala na kung tawagin man siyang kabit ngunit gagawin niya ang lahat upang mabawi si Clifford mula kay Lara. 'Mahal na mahal kita, Clifford. Masakit sobra sa akin na malamang kasal ka na pala. Pero handa akong maging kabit... handa akong gawin ang lahat para mabawi kita mula sa babaeng iyon.' Nahiga si Elara sa tabi ni Clifford at saka niya ito niyakap nang mahigpit. Sinubukan niyang magpaantok ngunit hindi siya makatulog. Kaya naman bumangon muna siya saglit at kumuha ng maiinom. Nang bumalik siya sa silid na iyon, dumako ang paningin niya sa pagitan ng hita ni Clifford. Napan

