104

1155 Words

"Samira? Ayos ka lang? Saan ka galing?" tanong ni Samuel nang makitang balisa ang dalaga. Pinilit ni Samira na ngumiti. "M-May tinawagan lang ako. S-Si nanay... nagsabi ako na uuwi na rin ako mayamaya," pinipilit niyang kaswal ang kaniyang pananalita. "Oo nga pala. Laging nag-aalala sa iyo ang nanay mo. Sinabi mo ba sa kaniya na nagpunta ka dito dahil birthday ko?" "Oo sinabi ko sa kaniya. Kilala mo naman si nanay. Ganoon talaga siya. Gusto niya palagi akong safe." Tumango si Samuel sabay ngiti. "Oo naman. Kahit sinong magulang naman siguro ganoon. Palaging hiling na nasa ligtas na kalagayan ang kanilang anak. Uuwi ka na ba? Hatid na kita." "Mayamaya ako ng kaunti uuwi. At hindi mo na rin ako kailangang ihatid pa dahil may sasakyan akong dala." Luminga-linga si Samira dahil hinahana

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD