"Elara..." "Ate..." Agad na niyakap ni Elara ang kaniyang kapatid nang dalawin siya nito. Mahigpit ang yakap niya sa kaniyang ate Cara habang lumuluha. Hinahaplos ni Cara ang kaniyang likod upang pagaanin ang nararamdaman niya. "Ate.... may nakuha na ba kayong impormasyon kung nasaan si Clifford? Hindi naman siya ganito. Palaging mabilis mag-reply iyon sa bawat message ko sa kaniya. Ngayon lang ito nangyari. Kinakabahan ako, ate. Sana walang nangyaring masama sa kaniya," lumuluhang wika ni Elara. Hinawakan ni Cara ang kamay ng kapatid. "Shhh ... kumalma ka. Walang mangyayaring masama sa kaniya. Baka... baka nawala lang ang cellphone niya. O baka may pinuntahan lang siyang business meeting. Baka may importante lang siyang lakad at hindi niya nagawang sabihin sa iyo." Kinagat ni Elara a

