"Elara.... kumain ka na." Nakatingin lamang si Elara sa larawan nilang dalawa ni Clifford. Natapos na lang ang monthsary nilang dalawa, wala rin ang kaniyang nobyo. Hindi pa rin ito nakikita. Lalong kinabahan si Elara. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya. "Elara... alam kong sobra kang nag-aalala kay Clifford pero isipin mo rin ang anak ninyo. Kung patuloy kang ganiyan, kung pababayaan mo ang sarili mo, paano na ang anak ninyo? Hindi ka ba naaawa sa magiging kalagayan ng baby ninyo? Huwag naman sanang mangyari pero kung hindi ka kakain at palagi ka lang iiyak, maaaring mawala sa iyo ang baby mo. Kaya please lang, alagaan mo naman ang sarili mo." Hinawakan ni Elara ang kaniyang tiyan sabay kagat labi upang pigilan na lumuha ulit. Wala na yatang araw na hindi siya umiiyak dahil sa

