"Hoy... kanina ka pa nakatitig diyan kay Everson. Hindi ka pa ba matutulog? Magpahinga na tayo. Gabi na. Ito ang unang gabi nating magkakasamang tatlo," nakangiting wika ni Elara nang mahiga siya sa kama. Mahinang tumawa si Clifford bago bumaling kay Elara. "Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa anak natin. Parang kaya ko siyang pagmasdan buong magdamag. Ang guwapo niya at ang cute. Parang nakikita ko ang sarili ko noong baby pa ako." Humagikhik si Elara. "Sana nga lang huwag niyang mamana ang pagiging maloko mo. Dapat gentleman siya hindi womanizer." Humaba ang nguso ni Clifford. "Bakit? Ikaw lang naman ang mahal ko, ha? Kahit na hindi ko pa maalala ang lahat, ikaw lang ang sinisigaw ng puso ko. At naging maloko lang naman ako dahil sinaktan ako. Pero kapag ako nagmahal, talagang i

