Isang buwan ang lumipas simula nang mangyari ang lahat, halos araw-araw binabangungot si Sean. Sa panaginip niya, umiiyak si Lara pati na ang sanggol nila. Kaya naman sa tuwing mapapaginipan niya iyon, umiiyak na lang din siya. Iniisip niya na kasalanan niya ang lahat kaya nawala ang kaniyang mag-ina. 'Hindi ako mapapanatag habang ang taong iyon, nakakatulog lang ng maayos at nagagawa pang makipagkwentuhan. Siya ang dahilan kung bakit nasira ang pamilyang bubuuin ko sana. Kaya dapat lang na pagbayaran niya ang lahat...' Kinuha ni Sean ang kaniyang cellphone at saka tinawagan ang kaibigan niyang pulis. Sinabihan niyang dadalawin niya ngayon ang ama ni Lara sa kulungan. Bumangon na siya at saka nagmamadaling lumabas ng kaniyang kuwarto. Mabilis niyang pinaandar ang kaniyang sasakyan patung

