3 months later.... "Sweetheart... puwedeng paisa muna ako bago umalis?" nakangising wika ni Clifford sabay yakap sa kaniyang asawa. Ngunit siniko lamang siya ni Elara at saka inirapan. "Isahin mo mukha mo! Ibang klase talaga iyang tití mo! Nasundan kaagad si Everson!" Natawa naman si Clifford. Sinadya talaga niyang buntisin na ang kaniyang asawa para masundan na kaagad ang kanilang anak. Gusto niya kasing magkaroon ulit sila ng anak tutal kasal na rin sila. At kahit na gumawa pa sila nang gumawa ng maraming anak, wala iyong kaso dahil mayaman naman siya at kayang-kaya niyang buhayin ang mga anak niya kahit gaano pa ito karami. "Sweetheart naman... napag-usapan na natin iyan, 'di ba? Nasusundan kaagad natin si Everson? At saka mas masaya kapag maraming anak. Maraming magbibigay saya sa

