Bumuntong hininga si Janica habang nagluluto ng sopas para sa kaniyang anak na si Louie. Hindi pa ito luto kaya tinakpan niya muna iyon bago ipinukol ang atensyon sa kaniyang anak. Nakagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi habang nakatingin kay Louie. Payat ito at walang buhok dahil sa malubhang sakit na mayroon siya. Mariing pumikit si Janica habang nanginginig ang mga kamay. "Janica..." Hinagod ni Iza ang likod ng kaniyang kaibigan. Pilit namang ngumiti si Janica nang humarap siya kay Iza. "Bakit ka pala naparito? May kailangan ka ba?" tanong niya sa kaibigan. Umiling si Iza. "Wala... inaalala lang kita. Alam mo namang simula nang malaman kong may malubhang sakit si Louie, palagi na akong nag-aalala sa inyong mag-ina. Ano na ang nangyari? Nakausap mo na ba ang tatay niyan? Nakausa

