bc

Dating Against Morality

book_age16+
10
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
HE
kickass heroine
decisive
drama
bxg
campus
office/work place
disappearance
like
intro-logo
Blurb

Lust was the only thing that drove Francheska to give up her virginity to Gabriel, na siyang nakilala niya lamang sa isang bar. Ngunit ang isang gabing pagkakamali ay nagbunga. Pagkaraan ng ilang linggo ay natuklasan ng dalaga na nagdadalang tao siya. Nakatakdang ikasal si Francheska sa isang matandang politiko ngunit nang malaman ng mapapangasawa niya na buntis siya sa ibang lalaki ay pinagbuhatan siya nito ng kamay hanggang sa makunan siya. Kinuha siya ng kanyang nakatatandang kapatid mula sa poder ng kanyang mapapangasawa upang matigil na ang p*******t nito sa kanya ngunit ang hindi alam ni Francheska na ang kanyang kapatid ay nakatakdang ikasal sa lalaking nakakuha ng virginity niya.WARNING!This is not a book for young readers. Contains mature scenes.

chap-preview
Free preview
000
SIMULA "Let's end this," malamig na sabi ko habang isa-isang dinadampot ang mga damit kong nagkalat sa sahig. Mabilis siyang napabangon sa naging desisyon ko. Ayaw ko siyang tignan dahil alam ko sa sarili ko na kapag tiningnan ko siya ay mawawasak nanaman ang pader na pinaghirapan kong buuin. Isang beses lang siyang magmakaawa ay buong puso ko muli siyang tatanggapin at pagbibigyan. Ayoko na... Pagod na ako. Sawa na ako sa ganitong buhay. Gusto kong magmahal ng malaya. Ayoko na ng ganito. Ayoko ng palihim. "What do you mean let's end this?" Mabilis kong naisuot ang damit ko bago ko siya matapang na binalingan. May takot sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. "Ayoko na." "And what do you mean by that?" Madilim ang kanyang mga matang nakatitig sa akin ng diretso. Hindi ko alam kung paano ko nagagawang ibalik ang titig niya sa kabila ng nararamdaman ko ngayon. "Let's stop this, please. Itigil na natin kung ano man itong namamagitan sa atin. Tapusin na natin ang lahat. Pagod na akong magtago. Pagod na akon magsinungaling. Ayoko na ng ganito buhay, Gab. Sawang-sawa na ako magtago sa dilim. Hindi na din kaya ng konsensya ko. This is wrong!" "How is this wrong if we are not hurting anyone?" "You don't know that! How about my brother? Ang taas ng tingin sa'yo ng kapatid ko. Parang tunay na kapatid na ang tingin niya sa'yo. Ang laki ng tiwala niya sa'yo! Paano kapag nalaman niya ang totoo? Sa tingin mo ba hindi siya masasaktan? Tingin mo ba hindi siya magagalit sa ating dalawa? Masasaktan ang kapatid ko kapag nalaman niyang ginawa mo akong kabit!" Hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Nagsisimula pa lang kaming mag-usap pero hindi ko na agad nakayanan. Parang bibigay na kaagad ako sa sakit na nararamdaman ko. Agad siyang tumayo mula sa kama upang yakapin ako ngunit agad akong umiwas sa yakap niya. Paatras akong humakbang upang mapalayo sa kanya. "No, let's end this." "Baby, please. I do not want to end this. I will explain to him. I'll make him understand that you are the one I love. He's a smart boy, I know he will understand." Sunod-sunod akong umiling. "No! Ayokong maintindihan niya ang ganitong buhay. Ayaw kong maging komplikado din ang buhay niya. Sobra-sobra na ang mga pinagdaanan ng kapatid ko. Ayoko ng gawing mas komplikado ang buhay niya. Tapusin na lang natin ito. Mas madali kung ganoon!" "How could you say that? Do you seriously think that is easy? If it's so simple for you, it's not for me! I cannot lose you. You are the best thing that ever happened to me. I can't just let you go." Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya habang sinasabi niya ang bawat salitang iyon. "You may all think I'm strong, but I'm not. You're the only thing that gives me strength. You are the one that keeps me sane. If I ever lose you, I will never be the same. If I lose you, I will lose myself too. If I lose you, I will never be able to forget you. I'll be lonely for the rest of my life." Umiling ako, tuloy-tuloy pa din ang pagpatak ng mga luha sa mga mata. "You will learn to love your wife. My sister is beautiful, kind, and intelligent. You will undoubtedly fall in love with her. Kung minahal mo ang isang katulad ko, sigurado ako matututunan mo din siyang mahalin. She's a good wife. Take good care of her. Love her the way you love me. Ibigay mo sa kanya ang buhay na nararapat para sa kanya. She suffered a lot. Ibigay naman natin 'to sa kanya. Huwag na nating gawing komplikado pa ang lahat. Tama na. Tapusin na natin ito. Hindi ko na kaya pang gawing mas komplikado ang buhay ng mga kapatid ko o ang buhay ko." Parang pinipisil ang dibdib ko habang sinasabi ko ang mga salitang iyon. Ang hirap-hirap pala. Ang hirap magpalaya ng taong ayaw pang bumitaw. Pero sa lahat ng mali kong desisyon ito lang ang tamang magagawa ko. I need to let him go. "How about me then? Do you ever consider my own feelings? I need you too." "My sister is enough. You'll learn to love her in time." "She does not love me! You are well aware that we marry only for convenience. She has no feelings for me and I only see her as a friend. You know that very well!" "You'll learn to love each other." "I call bullshit on that! I can only ever love you and no one else. Did you hear me? You're the only one I can love," aniya umiigting ang bagang. "I don't care! Ayoko na! Ayoko na sa ganitong buhay. Bakit hindi mo na lang ako pakawalan? Bakit kailangan pang maging komplikado ang lahat? Kung mahal mo talaga ako dapat ginagalang mo kung ano ang gusto ko? Pagod na ako sa ganitong buhay. Gusto kong magsimulang muli. Hindi mo ba ako kayang pagbigyan? Anong gusto mo, huh? Habang buhay tayong ganito? Kung mahal mo ako, papalayain mo ako. Ayoko na, please... Tama na." Pumikit siya ng mariin habang pilit na pinipigilan ang sariling mga luha. "I know you don't deserve this life, but please trust me. I will make this right. I'll do anything to make things right. Please give me some time to fix everything; then I will do the right thing. I'll talk to your sister; I'm confident she'll agree to file for an annulment." Agad akong umiling. "Ayoko na. Ilang taon pa ba ang kailangan kong hintayin para maging tama ang lahat. Hindi ko na kaya. Masyadong magulo ang lahat. Hindi ganoon kadali ang iniisip mo." "It is not easy, yes. Making things right is not easy and will most likely take years. But I'll make sure it's worthwhile. You just have to trust me, baby. Please trust me. Everything will be alright." Sinubukan niyang lumapit sa akin muli upang yakapin ako ngunit agad akong umiwas sa yakap niya. "Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko ayoko na! Pagod na ako! Itigil na natin ito!" halos pasigaw ko ng sabi. Pilit niya akong niyakap pero pilit lang din akong kumakawala sa yakap niya hanggang sa puntong nasasaktan ko na siya sa pag-iwas ko. "No, please. Don't leave me..." "Bitiwan mo ako! Bitiwan mo sabi ako! Tama na! Ayoko na!" Ngunit mas lalo lamang humihigpit ang yakap niya sa akin kahit na sinasaktan ko na siya. Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha ko. Ang sakit. Sobrang sakit pero mas lalo lang akong masasaktan kung magpapatuloy pa ito. Pagod na ako. Sobrang pagod na ako sa ganitong buhay. Hindi ko na akayng mabuhay pa ng isang araw na nasa ganitong sitwasyon. Gusto ko ng sumuko at lumayo na lang. "Why is it so easy for you? Why is it so easy for you to let go of me? Have you ever loved me?" Parang sinasaksak ang dibdib ko sa naririnig mula sa kanya pero naiintindihan ko kung bakit ganito ang iniisip niya. "If you truly love me... How come you can't fight for me? Was it difficult for you to fight for me? If you love me, you will fight for us. Please, I can't do this alone." "Then maybe my love for you is too shallow that I can't fight for us." Kahit ako ay sobrang nasasaktan sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. Pagod niyang isinandal ang kanyang mukha sa aking leeg. Ramdam ko ang pagpipigil niya sa kanyang sarili. Alam kong gusto niyang manakit dahil sa sakit na nararamdaman niya pero hindi niya ako kailanman kayang saktan ng pisikal. "What do you want me to do to make you stay? I need you, please." "You can't make me stay." "Why are you doing this to me? Mahal na mahal kita... If you break me now, no one will ever come to fix me. You're all I need and want. Please don't do this to me. Don't leave me. I will do everything you want just don't leave me." Buong lakas ko siyang itinulak pero agad din akong nagsisi nang makita ko ang kanyang ekspresyon. Kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata pati na din ang labi-labis na kalungkutan. Hindi ako makapaniwala na nagagawa ko sa kanya ito. Hindi ko akalain na nasasaktan ko siya ng sobra ngayon. Alam kong mahal niya ako at naniniwala ako doon pero hindi ko akalain na sobrang tindi ng nararamdaman niya sa akin. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata habang nakatitig ito sa akin, nagmamakaawa na tanggapin ko siyang muli pero desidido na ako sa gusto kong gawin. "You're sick! I don't love you enough para sayangin ko ang oras ko sa katulad mo!" Bawat salitang lumalabas sa sarili kong bibig ay tila patalim na humihiwa sa dibdib ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit pero ito lang ang paraan. Kung hindi ko sasabihin ang mga ito, hindi siya susuko. "Bata pa ako. Marami pa akong makikilalang lalaki, iyong hindi komplikado ang buhay. Iyong kaya akong pakasalan ora-mismo. Sadly, hindi ikaw 'yon. Ni hindi nga natin sigurado kung dadating pa ang panahon na mapapakasalan mo ako. Ayokong sumugal sa taong walang kasiguraduhan ang buhay. Ayokong mag-aksaya ng oras. Taposin na natin ito ngayon pa lang at kalimutan mo na ako. Bukas na bukas magpapaalam ako kay Ate at bubukod na ako. Hindi ko na kayang manirahan pa dito sa puder mo. Ayokong maging kabit habang buhay!" Tinaka niyang lumapit upang yakapin ako muli ngunit agad kong itinaas ang kamay ko upang pigilan siya. "Subukan mong lumapit, aalis ako ngayon din mismo." "Why are you doing this to me?" "Ikaw? Bakit mo ginagawa sa akin ito? Bakit ayaw mo akong palayain? Bakit gusto mo akong ikulong sa lintek na sitwasyon na 'to? Bakit hindi mo ako pakawalan na lang at hayaang mamuhay ng normal? Bakit kailangan mong ipilit ang sarili mo sa akin?" "I never forced myself on you!" may diin niyang sabi. "I may have put you in this situation, but I did not force you to love me!" "Kung ganoon pakawalan mo na ako. Itigil na natin 'to. Tama na. Huwag na nating pahirapan pa ang isat-isa." Pumikit siya ng mariin at nang dumilat siya ay sunod-sunod na nagsipagbagsakan ang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi. "How can I let go of you if you are my life?" "That's not true. Huwag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin." "How do you do this? How can you act as if this means nothing to you? As if you don't really care about our love?" "Simple lang. Dahil gusto kong mamuhay ng normal... tahimik at hindi komplikado. Pagod na ako... Sana maintindihan mo. Ayoko ng maging babae mo lang. Ayoko ng maging lihim." Nag-iwas siya ng tingin sa akin at halos mapaluhod ako sa sakit nang makita kong muling nagsipagbagsakan ang luha mula sa kanyang mga mata. Pagod na pagod na din ang mga mata niya pero ramdam ko ang kagustuhan niya pa ding lumaban. Kahit talong-talo na siya ay gusto niya pa ding ilaban ito. Nanghihinang naupo siya sa gilid ng kama. "If I let you go now, will you be happy?" Dahan-dahan akong tumango kahit na hindi ko alam ang tunay kong sagot sa tanong niya. Ni hindi ako sigurado kung magagawa ko pang magmahal muli bukod sa kanya. Siya lang ang tanging lalaking minahal ko ng ganito. "Will you really be happy without me?" Nasasaktan niyang tanong. Matapang akong tumango. "Magiging malaya na ako. Of course I'll be happy. Magiging sobrang saya ko dahil magiging normal na ang buhay ko." "Don't lie to me!" Sigaw niya na ikinagulat ko. Lagi siyang maingat pagdating sa akin, hindi niya ako kailanman pinagtaasan ng boses. Siguro sobrang nasasaktan lang siya ngayon kaya nagagawa niyang magtaas ng boses at hindi ko siya masisisi. Sobra ko siyang sinasaktan ngayon. "Bakit ako magsisinungaling sa'yo? Ito ang gusto ko. Gusto kong maging malaya. Gusto ko ng normal na buhay para sa sarili ko bakit naman ako magsisinungaling. Trust me para sa atin din 'tong dalawa. Magagawa mo ding mahalin ang kapatid ko. Gusto mo naman siya noon, hindi ba?" "That's nothing compared to what I have for you! I only liked her because she was brave." "Kahit na! Ang mahalaga nagustuhan mo siya noon! Ibig sabihin kaya mo din siyang mahalin at iyon ang gagawin mo. Mahalin mo ang kapatid ko. Mahalin mo siya higit pa sa nararamdaman mo ngayon sa akin." Umiling siya. Punong-puno ng galit ang mga mata. "I can't do that." "Fine! Hindi kita pipilitin kung ganoon pero hindi mo din ako pwedeng pilitin pa na manatili dito o na mahalin ka. Kung mahal mo ako tulad ng sinasabi mo, respetuhin mo ang desisyon ko. Pakawalan mo ako." "Why are you so heartless?" "Dahil putangina ayoko na! Pagod na ako! Sawa na akong magtago sa dilim. Hindi ako karapat-dapat para sa'yo at hindi ka para sa akin. Bakit hindi mo makita 'yon? Akala ko ba hindi mo pinipilit ang sarili mo sa akin, ano 'tong ginagawa mo ngayon? Bakit hindi mo ako pakawalan ngayon?" Pumikit siya ng mariin, tila pagod na pagod na. "Please don't leave. If you can't be with me anymore, I'll leave. Please stay here..." Napaaawang ang mga labi ko sa gulat. Anong ibig niyang sabihin? "Anong ibig mong sabihin? Bahay niyo ito! Hindi pwedeng ikaw ang aalis." "I bought this house for all of you. I promised your sister I would take care of you. I won't allow you to be apart from one another, so please let me keep my promise to your sister. I will leave so you don't have to leave this house. I didn't just make a promise to your sister. I also promised myself I'd do anything to protect your family. " Muling bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko ito kayang pigilan pa. Ang sakit-sakit na. Hindi ko kailanman naisip na may isasakit pa pala sa lahat ng napagdaanan ko. Parang gusto ng tumigil ng puso ko sa pagtibok sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. "This is the only request I have for you. Would you please stay? I understand that you no longer want me, but could you please stay here for the sake of your siblings? I know you don't want to be away from them." Pero paano ka? Paano kana? Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha ko kasabay ng mga hikbi ko. "I will leave tonight." Umawang ang mga labi ko kahit na humihikbi pa ay nakuha ko pang magulat sa pasya niya. "Hindi mo kailangang umalis..." Mapait siyang ngumiti. "I have to. If I stay here just a little longer, there's a good chance I won't leave. I will take you back. For sure." Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong nanghina at walang nagawa kundi ang humikbi na lang. Bago pa bumagsak ang katawan ko sa sahig ay sinalo niya ako. "Don't cry; this is exactly what you want. You said you'd be happy with this. If you don't stop crying, I'll think you're just lying to me, and I'll take you back. And I will never let you go no matter what." Fucking bastard!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
41.7K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
52.0K
bc

Daddy Granpa

read
280.1K
bc

My Cousins' Obsession

read
189.6K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.7K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
249.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook