Two

1710 Words
"Ano ba guys bilisan nyo.. Doon yan sa kabilang side. Joshua hindi pantay.."-that was Kleng. Kanina nya pa ginagawa yan. Nandito kami sa isang wedding event na kami ang organizer syempre. Naayos na namin ang simbahan may kailangan lang kaming iretouch sa reception. Babalikan pa namin ang bride at groom at ang simbahan. Si Kleng ang nakatuka sa groom at ako sa bride kailangan pa namin silang iassist.  "Guys babalik na kami kayo ng bahala dito. You have more than an hour to check all the tables okay."-paalam ko sa kanila habang naglalakad palabas.  Yung ibang team namin naiwan naman sa mga venue. Pero isa-isa padin naming tinitingnan ni Kleng para sigurado. Dahil ang taste namin ay hindi naman laging pareho sa mga tao namin.  "Kleng natawagan kuna sila Jane okay na daw ang simbahan. Just go to the groom tutal kayo din naman ang mauuna later so kayo nalang din muna ang magcheck."-remind ko bago sya ibaba sa hotel ng groom at ako ay babalik din sa kabilang hotel for the bride.  Napangiti ako habang nakatitig sa kamerang hawak ko. Natanaw sa dalawang taong masayang nakangiti sa isa't isa habang binibitawan ang mga pangakong walang iwanan. Patuloy lang ako sa pagikot at pagkuha ng mga larawang nakangiti o dili naman kaya'y umiiyak, dahil sa nasasaksihan nila. Pero kakaatras ko ay hindi ko namalayang may tao pala sa likuran ko. Napasigaw ako sa sobrang gulat ko natwist pa ang paa ko. Pero hindi ako sa sahig bumagsak kundi sa mga bisig na nasa bewang ko at ang likod kung nakasandal sa matigas na dibdib.  "Ooppss.. Careful love."-dinig kung sabi noong sumalo sa akin.  Agad kung inayos ang salamin kung natabingi na at sarili kung nahulas bago dali-daling tumayo. Pero talagang swerte ako ngayon dahil pagtayo ko may naapakan ako. At bumagsak ulit pero mabilis din akong nasalo ulit noong nasa harap ko pero ngayon nakaharap na ako.  "Wala ka pa ding pinagbago.."-anang baritonong boses. Agad ko iyong tiningala matagal ko pang inaninag kung sino yun dahil natabingi ang salamin ko. At bumungad sa akin ang nakangiti nitong mukha na parang tuwang-tuwa sa nakikita nya.  "I—im sorry.."-shocked yun ang una kung masasabi. Kulang ang salitang gulat habang kaharap ang lalaking madalas laman ng isip ko sa mga nakaraang buwan. Ngayon hindi ko nalang sya iniisip kundi nasa harap ko na mismo.  "Baka naman gusto na nating tumayo? Pinagtitinginan na kasi tayo.." "Ohh sorry.."-agad akong tumayo doon at inayos ang sarili ko. Buti nalang hindi ako nakadress kundi nakita na ang kaluluwa ko dito. "Hala Sorry talaga. Hindi ko sinasadya."-yuko ko para huminggi ng paumanhin dito. Pero kasabay ng pagbow ko ay sumabay din ang inggitera kung salamin.  Shit! Isa akong near sighted kaya pag malapitan kita ko naman. Pero pag malayo na hindi kuna makita as in anino ka nalang. Akmang kukunin kona ang salamin ko pero sumabay ang dagsa ng tao palabas ng naglakad ang bride at groom palabas. Napangiwi nalang ako sa tunog nito habang unti-unting winawasak ng mga walang hiyang guest..  "R.I.P eyeglasses.."-bulong ko habang nadudurog ito sa paningin ko.  "Ashton remember me?"-nakangiti nyang paalala hindi ako agad nakasagot, at kunot noo kung inaayos ang salamin para tingnan sya kunwari hindi sya naalala. "Aww im so hurt right now. You don't remember me?"-napailing nalang ako bilang sagot. Gusto kung sabihing naalala ko sya ng mawala ang ngiti sa labi nya pero hindi pwede.  "Pasensya na hindi kasi ako matandain."-pagbaling ko ng tingin nasilip ko namang tumango sya bilang sagot sa sinabi ko. Hindi ko alam kung naniniwala sya sakin pero ikoconsider kuna kesa hindi diba!  "Okay.. I'm Ashton ring a bell"-umiling ako. "So are you one of the guest?"-bukas nya ulit ng usapan habang nakatingin sa akin na puno ng pag-asa ang mata. Na baka sakaling maalala ko sya sa pangalang iyon. Nasa labas na kami ngayon at inaantay ko si Kleng. Gusto ko syang itaboy paalis pero nahihiya akong gawin yun.  "Nope.. Kami ang organizer nila. Ikaw your friends with them?"-kuryoso kung tanong habang pasimple syang sinisipat. Nakathree piece suit kasi ito at ako ang naiinitan para sa kanya.  "Yeah with the groom.."-nakangiti nyang sagot bago bumaling sa kinasal na nasa bukana na ng simbahan.  Ilang minuto pa kami nakamasid doon bago sya tinawag ng mga kasama nya. Sinamantala ko din iyon para makaalis doon dahil kailangan narin naming pumunta ng reception. Kinuha ko na din sa kotse ko ang spare ng glasses ko, actually marami ako nitong nakastock dahil alam nyo na. Burara ako..  Nang makarating ako doon ay nandoon narin si Kleng. Panay tanong kung saan ako galing kanina nya pa daw ako hinahanap. Hindi ko nalang sya pinansin at tiningnan pa kung may kulang pa sa venue pero mukhang naayos na nilang lahat. "Kleng ikaw muna ang bahala. Hinihika na ako sa sobrang dami ng tao."-paalam ko dito. I'm not like Kleng who's energetic and very sporty. Kabaliktaran ako sinubukan ko before pero i failed. Sinama nga ako ni Kleng msgmountain climbing yun na ang una at huli. Isa akong four eyed girl, a wallflower, nerdy and a bookworm. Proud to be anyway, embrace your weaknesses.  Nakarating ako sa bandang likod ng reception. May parang garden akong nakita kaya doon muna ako habang hindi pa tapos ang event. Pero bago pa ako makalapit doon ay may humawak na sa braso ko.  "Hey.. Are you lost? Hindi dyan ang daan sa reception."-napalingon ako dito. At hindi nga ako nagkamali ng dinig si Ashton nga ang nakasunod sa akin.  "Ah hindi.. I just wanted to rest. Dun sa walang masydong tao."-sagot ko bago hinila ang braso kung hawak nya. "Oopss sorry.. Can i go with you?"-kunot noo akong napabaling sa kanya. Napakamot pa sya ng ulo bago sumagot.  "Sorry.. Baka lang kasi gusto mo ng kasama. Ayoko din naman sa loob."  "Okay lang.. Ashton right? Wala ka bang kasama?"-baling ko sa kanya ng maupo ako sa isang bench doon. Ang galing kung umarte na prang hindi sya kilala.  "Mag-isa lang ako. With friends kaso may mga partners sila ei. Ikaw? Oh i forgot— organizer.."-tumango lang ako. Gusto kung putulin na doon ang kung may balak pa syang kausapin ako. Pero masyado atang makulit itong lalaking 'to at kung ano-anong tinatanong sa akin.  Halos buong oras ng reception nandoon lang sya nakaupo kasama ko. Simpleng mga tanong pero alam kung meron syang gustong puntahan. At yun ang ayokong marating nya, ayoko sya bigyan ng satisfaction na kilala ko sya. Kaya laking pasasalamat ko ng tumawag si Kleng.  "So pano i need to go.. Thank you for the chit-chat.."-paalam ko dito. Kahit parang ayoko pang umalis kailangan ko.  "Z—zendaya.."-pigil nya sa akin. Napasinghap ako ng bigla nya akong yakapin.  "A—ano bang ginagawa mo? Mamaya may makakita satin at kung ano ang isipin."-natataranta kung tanggal sa mga braso nyang nakapulupot sa bewang ko.  "I miss you.."-parang biglang nanigas ang katawan ko at hindi makagalaw doon sa sinabi nya. He miss me.. at hindi yon panaginip dahil sa kanya mismo nanggaling. "Hinanap kita pagkadating ko sa city. Pinilit kung wag kang hanapin o isipin pero tangina hindi ko magawa. I did my best to stop myself doing this since i laid my eyes on you on the church.. i f*****g did."-patuloy nya ng hindi ako magsalita. He's hugging me too tight that up to my heart i feel the pain.  I don't know why.. but its painful.  "A—ano ba yung sinasabi mo Ashton. Hindi ko maintindihan. Nababaliw kana ba?"-tanggi ko dito, pinaninindigan parin kung ano ang sa tingin kung tama. Kahit hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ay kailangan kung panindigan iyon.  "Naalala mo ako.. Alam ko, nakikita ko yun sa mata mo habang nakatingin sakin. Alam mo kung ano ang sinasabi ko. Please Zendaya.. Mababaliw na ako kakaisip sayo."-puno ng pagsusumamo ang tinig nya. Napatingala ako ng maramdaman kung malapit ng bumagsak ang kanina ko pang pinipigilang mga luha.  "H—hindi ko talaga alam ang sinasabi mo. Bitawan muna ako kasi hinahanap na ako sa loob."-naiiyak na ako. Tanginang mata 'to gusto maglabas ng luhangn hindi ko alam kung para saan. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Nababaliw na rin ata ako..  "I'll make you remember me..."-akala ko ay bibitawan nya na ako. Pero pinihit nya lang ako paharap sa kanya at sinalubong ako ng mga labi nya.  He kissed me.. he kissed me in a passionate way. Napapikit nalang ako ng hapitin nya pa ako lalo palapit sa kanya. At parang bawat galaw ng labi nya ay pinapaalala sa akin ang lahat ng nangyari sa isla. Sinasabi ng utak ko na mali ito na hindi ito dapat. Pero masyadong nararadang ang puso ko sa ginagawa nya sa akin. Every move of his kisses makes me feel that im special, that im supposed to be treasured. Pero kahit gaano pa kasarap iyon mali parin ang lahat. Mali ang sitwasyon kahit ang nararamdaman namin.  "You response.. i knew you remember me.."-habol hininga nyang bulong ng isandal ang noo nya sakin.  Umigkas ang kamay ko at sinampal sya. Napakamakasarili nya...  "I hate you... This is wrong, mali ito. Mali na nagkakilala tayo at mali na magkita tayo. At mas lalong mali kung ano man yang nararamdaman mo para sakin. Lahat ng nangyari sa isla ay mananatiling sa isla lang. At tapos na yun so forget about it, so please go on with your life Ash... so i can go on with my f*****g life too."-napapailing lang sya sa mga sinabi ko. Pero ako i breakdown infornt of him.  Hindi kuna napigilan ang sarili ko. Itanggi ko man pero totoong namiss ko sya. Kahit mali, kahit hindi pwede.  "No.. No Zendaya. I will never forget you. And i will never f*****g let you go. Ngayon pa na alam kung meron ka rin kahit papaanong nararamdaman sakin. Hindi ako makakapayag, hinding hindi ka makakasal kahit kanino. I will call off the wedding and will make you mine."-seryosong pahayag nito. Wala akong nagawa kundi ang umiling mali ito.. maling-mali.  Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya. Ang tangi ko nalang nagawa ay ang umiyak doon. At ilabas lahat ng nararamdaman ko. Naramdaman ko nalang na niyakap nya ako at pinatakan ng isang halik. Bago naglakad palayo sa akin. And my life get twisted in one kiss...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD