One

1460 Words
"Aya.. Aya.. Ayaaaaaaa.." napapitlag ako dahil sa malakas na pagsigaw ni Kleng. "B—bakit?" nagtataka kung tanong dito ng mautahan ako sa pagkatulala ko. Kleng is my best friend and business partner. Event organizer ang trabaho naming dalawa. Siya ang bahala sa mga client dahil sa cheerful ito sa sobrang daldal na rin. Ako naman sa mga ideya at designs dahil mas doon ko nauubos ang oras at panahon ko.  "Ano te tulaley na naman? Ikakasal kana remember hindi mo na kailangang isipin pa yang lalaking yan."-asik nya ng hablotin ang magazine na hawak ko. Bachelor Mc Ashton Bustarde is getting married... Iyon ang nakalagay sa headline ng isang magazine. Ilang buwan na ba six months to be exact pero parang kahapon lang nangyari yun. Until now bumabalik parin sakin ang lahat ng nangyari sa isla. Sa panandaliang panahon kong pananatili doon ay parang may pinanghahawakan ito sa akin na hindi ko makakalimotan.  "He's getting married na baks. Ikaw next year pa sya this year. Kaya mas makakabuti sa 'yo kung hindi mo na siya iisipin at bibigyan pa ng pansin," paalala ni Kleng sa akin.  Ganoon ba ako kinakain ng mga ala-alang 'yon at pilit ko pa rin itong binabalikan sa kabila ng pagiging kumplekado ng sitwasyon namin? Sabagay hindi naman natin masasabing nagimpact sa atin ang isang tao unless the moments we meet them comesback. Its in the past now. Hindi na kailangang balikan o isipin pa. Unfair sa taong nagmamahal sakin kung patuloy akong manghihinayang sa isang taong wala naman talaga akong kaugnayan. Napabuntong hininga ako sa isiping iyon. Kasi kahit gaano ko pa ipagkaila pilit bumabalik ang sarili ko sa araw na yun. "Wala na bang kulang sa party bukas ni Mrs. Santos?"-tanong ko dito sa surprise birthday party bukas. Simula ng makabalik ako from my so called vacation but it ends to be disaster. Marami ng trabahong itinambak sa akin si Kleng. Para daw maging abala ako at hindi maisip yung nangyari. Noon hindi ko naiisip na tama yung ginagawa nya panay lang reklamo ko. But right now, totoo ngang kailangan ko ito. Mapagod mastress at maging busy para hindi ko sya maalala. | • | • | • | • | • | "Mommy one week lang ako doon sa barko. Kung pagdalhin nyo naman ako ng mga gamit parang ayaw muna akong pauwiin."-sita ko dito ng makita ang iba pang maletang pinapalabas nya. "Oo nga naman dear.. Tama na yung mag-aasawa sya pero wag mo namang palayasin."-dag-dag ni Daddy kaya nagtawanan kaming dalawa na ikinasimangot naman ng Nanay ko. "Iha gusto ko lang siguradohin na wala kang makakalimutan."-ingos nya bago pinabalik sa kasambahay ang ibang gamit ko. Im going on a vacation.. One week na maglalayag ang barkong sasakyan ko. Pero ang alam ko hindi naman ito lalayo. Around Asia lang ang iikotan nya kaya saglit lang ang biyahe. Noong una ayaw nila akong payagan delikado daw kasi lalo na malapit na ang kasal ko at hindi kasama si Clint. Ang mapapangasawa ko. Ayos lang naman sakin mag-isang magbyahe lalo na lagi namang wala si Clint. Masyadong abala sa mga negosyo ng pamilya nila. "Baks ingat ka dun ah! Tsaka pasalubong don't forget."-bilin ni Kleng bago ako niyakap. "Iha wag kang magpapagutom doon. Kung may kailangan ka tumawag ka huh! Yung mga—" "Mum.. Magbabakasyon lang ako kung makapagbilin ka naman wagas. Tsaka malaki na ako mag-aasawa na ako kung itrato mo naman ako parang bata."-angal ko dito. Sabagay hindi ko naman sya masisi lalo na ngayon lang din naman ako aalis ng mag-isa at medyo malayo pa. Natatawa nalang na nagpaalam sakin ang Daddy ko. Samantalang yung artista kung ina ayun at nagiiyak na habang kumakaway. Binilinan ko na lang si Kleng na bisitahin lagi sila habang wala ako. At yung negosyo namin wag pabayaan. Pagakyat ko sa barko dinala ko muna ang mga gamit ko sa cabin ko. Maganda naman ang loob niyon parang nasa hotel ka din. Kumpleto ang facility at maaliwalas. Pero mas gusto ko ang dagat kaya lumabas din agad ako para magikot-ikot. Madami akong nakakasalubong na mga nakabusiness suit. Sabi nung isang crew kanina may mga seminar daw dito at mga negosyanteng gusto ding magpahinga gaya ko. Napangiti ako ng umakyat ako sa upperdeck ng barko. Walang tao doon siguro iba ang pinagkakaabalahan nila doon. Tahimik ang dagat kaya maganda ang alon. Hindi ito nagaalburoto kaya siguradong maganda ang panahon. Ibig sabihin mas maraming pagkakataon na maienjoy ko ang bawat paggising sa karagatan. Napatitig ako sa harap ko. Parang hinihipnotismo mo ako ng tanawing nasa harap ko. Ang kulay asul na dagat ay parang humahalik sa langit at nagaagaw sila ng ulap. Sa sobrang payapa ng tanawin hihilingin mong hindi na ito mawala o magtago pa. Sana mabigyan ako ng pagkakataon na ganitong tanawin ang makakagisnan ko sa bawat pagdilat ng mata ko. Napahawak ako sa balabal at buhok ko bigla kasing umihip ang malakas na hangin. Malakas na hangin na sa sobrang lakas ay nilipad na ang balabal na dala ko. Hinabol ko ito hindi iyon pwedeng mawala dahil bigay iyon sa akin ni Mommy ng una akong magmountain climbing. "Oh my god.."-sigaw ko ng habulin ko ito dahil malapit na itong lumabas sa harang ng barko. Isang kamay ang nakita kung humablot dito bago ito tuluyang makalayo pa. "Gotcha!"-dinig kung sabi nito ng makuha ang balabal ko. Lalapit na sana ako sa kanya para kunin iyon pero bigla akong may naapakan at nadulas. Ang inaantay kung paglagapak ng balakang ko sa sahig ay hindi nangyari. Bagkus isang bisig ang nakahawak doon at nakaalalay. "What a clumsy girl.."-bulong nya kaya napaayos ako bigla. Bago ko pa masabi ang mga dapat kung sabihin  bigla nalang kaming nakarinig ng pagsabog. Akala namin ay isang beses lang iyon pero sunod-sunod iyon. Kasabay ng hiyawan ng mga tao. At bago pa kami makaalis doon ay bigla nalang tumagilid ang barko at dire-diretso akong natumba. | • | • | • | • | • | "Baks baka naman gusto nating bigyan pa ng pagkakataon yung bulaklak na maappreciate pa ng ibang tao."-pukaw sakin ni Kleng. Kaya napatingin ako sa hawak ko. Halos madurog kuna ang talulot ng bulaklak na hawak ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagsabog na iyon sa barko. Dahil simula ng makabalik at sa syudad hindi na ako nakibalita. Ang sabi lang sa napapanood kung report merong ibang pasaherong nagdemanda. Pero ayoko ng makisali dahil ayoko ng gulo. At isang mangandang bangungot ang makulong sa islang iyon. "Sorry.. Hindi ko napansin napahigpit pala ang hawak ko." "Wag ako baks.. Alam kung naalala mo na naman yung sa barko. Pag nakikita mo sya or anything na nakakapagpapaalala sayo sa araw na iyon ganyan kana."-ingos nya habang inaayos ang mga design ng bulaklak sa lamesa. Napatingin ako sa gawa ko halos wala akong natatapos. Samantalang sya nakakarami na. "Baks is it wrong to be bothered by a strangers presence?"-kunot noo nya akong tiningnan. "Forget it.."-nagpaalam nalang akong lalabas muna. Magiikot at maglilibang. I just need to remind myself always that i'm getting married. Getting married to a man that never make you a priority. Minsan kasi nakakalimutan ko na rin na may boyfriend ako at inaya na akong magpakasal. "Hi Clint.."-bati ko sa MIA  kung mapapangasawa. "Hi sweetheart. I miss you.. How's your day?"-tanong nya. Napabuntong hininga ako bago ako naupo sa isang coffee shop. Minsan hindi ko na rin alam kung paano kami umabot sa ganitong relasyon. Yung tipong nagiistay ka nalang kasi andyan kana. Nakikiayon ka nalang sa kung anong ibabato sayo ng buhay. "Im good Clint.. Nandito ako sa coffee shop. Ikaw kumusta kilan ka makakauwi?"-tanong ko dito habang nagmamasid sa mga taong dumadaan sa harap ko. Isang pamilyar na mata ang nahanap ko habang naglilikot ang paningin ko. Dagling tumigil iyon doon. Sinusuri ang isa't isa kung may nagbago ba sa matagal nilang di pagkikita. "Aya.. Sweetheart.."-napabalik ako sa katinuan sa tawag nyang iyon. Nang muling balikan ko ng tingin ang matang iyon ay wala na ito. Saglit ko pang hinanap ito ng tingin pero hindi kuna makita pa. Namamalikmata lang ata ako. "Sorry Clint. What were you saying again?" tanong ko at umalis na doon. Nilingon ko pa ng isang beses ang lugar kung saan ko sya nakita pero wala na doon. Nagkamali nga lang siguro ako. Hindi ko na alam kung kailan nagpaalam si Clint sa akin. Namalayan ko nalang wala na akong kausap at patay na ang linya. Masyadong abala ang isip ko sa taong nakita ko na hindi ko naman na dapat bigyan ng pansin.  Hindi ko napansin na simula pala noon meron ng nagbabago sa akin. Hindi man visible sa mata ng iba pero kung mapanuri ka meron ngang nagbago. Mayroong nagbago sa nararamdaman ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD