TWELVE Risha The next days became awkward for me. Ilang minuto matapos makatulog ni Callus noong gabing iyon ay pumuslit ako paalis ng kanyang mga bisig ng may pulang-pulang mukha. Mahirap palang magpakita sa taong iyon kapag lasing na lasing. Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig na akala mo naman ay totoo. Ilang araw akong hindi lumabas ng bahay ni Ahma. Madalas ay hindi rin ako sumasabay sa kanila sa pagkain sa takot kong magkrus ang landas naming dalawa ni Callus. "Risha, halika na't kumain." Tawag ni Ahma nang sumunod na araw na hindi na naman ako lumabas ng silid. Lumunok ako at umiling. "Mamaya na lamang ho ako kakain. Sasabay na lang ako kina Meilyn." Nahihiya kong tugon. Kumunot ang kanyang noo dahil sa naging tugon ko. "May iniiwasan ka ba at ilang araw ka nang hindi nagla

