THIRTEEN Risha Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang tuluyan kong nahaplos ang ulo ni Lufi. Humalinghing ito at nagpakita ng kasabikang makalabas mula sa kwadra. Siguro ay namimiss na rin niyang magtatatakbo sa kakahuyan tulad ng madalas naming gawin noon. "Pwede ko ba siyang ilabas?" Tanong ko kay Lynel na siyang nagbabantay sa akin habang binibisita ko si Lufi. Nagkulay ginto ang kanyang mga mata. "Ayaw ni Alpha. Kailangan ka yata niya ngayon." Tugon niya. Kumunot ang aking noo at bahagya akong pinamulahan ng pisngi. Ano na naman kayang naisipan ng lalakeng iyon? Hindi ko pa nakakalimutan ang mga pinagsasabi niya noong almusal noong isang araw. Humarap akong muli kay Lufi saka ko hinaplos ang kanyang ulo. "Sabihin mo sa kanya na hindi ako interesadong makita o makausap siya."

