EIGHT Risha Maghapong tumakbo sa aking isip ang mga huling sinabi ni Lynel bago kami lumabas ng opisina ni Callus. Kung ganoon ay hindi si Zoe ang ina ni Lilian? Ano ang nangyari sa dati nilang Luna? Bumuga ako ng hangin saka ko hinilamusan ng tubig ang aking mukha. I really should stop minding his business. Mukha namang walang magnanais na magkwento sa akin ng nangyari dahil nang tanungin ko si Lynel kung bakit nawala ang dating Luna, sinabi niyang si Callus lamang ang maaaring magsalita tungkol doon. Umahon ako mula sa tub saka ko dinampot ang tuwalyang nakapatong sa sink. Tinuyo ko ang aking sarili saka ako nagbihis ng pantulog bago tuluyang lumabas ng banyo. I made myself comfortable in the bed. The window's curtain is half-opened, giving me a good view of the outside. Maraming

