NINE Risha Marahan kong sinuklay ang buhok ni Lilian hanggang sa tuluyan siyang nakatulog. Halos ayaw na niyang humiwalay sa akin na tila natakot na umalis akong muli. I felt guilty for making her cry. Kahit pa sabihing hindi naman ako ang kanyang ina, napakabigat pa rin sa loob na makita siyang umiyak. I remember when Dad didn't return again from a war. Hindi na ako bata noong nangyari iyon ngunit sa kabila no'n ay naging mahirap pa rin sa akin ang kalimutan ang nangyari. I honestly wait for him every day, even if everyone else already gave up on him. Si Luhence na ang mismong nagsabi noong nakita nilang namatay ang aking ama ngunit hangga't hindi ko nakikita ang kanyang katawan, hindi ko magawang maniwala. Maybe the others just accepted it so they could finally end their sufferi

