Chapter 2

2293 Words
He wrote a song Sarcastic akong napangisi. Anong kahibangan ito? May pa lunch-lunch pa siyang nalalaman? Akala ba niya ay mawawala ang pagkairita ko sakanya dahil dito? Kayang-kaya kong bumili ng sarili kong pagkain! Isinantabi ko na muna ang paperbag nang marinig kong mag ring ang telepono. “Hello?” “Davina, ano nanaman itong nabalitaan kong issue tungkol kay Keira?” I cursed mentally. Ito na nga ba ang sinasabi ko. I exhaled before replying. “Don’t worry sir, ginawan ko na ng paraan.” paliwanag ko sakanya. He’s my grandfather but I can’t call him ‘Lolo’ inside this agency. “Siguraduhin mo, Miss Fornari dahil sa’yo ko ipinagkatiwala ang bandang iyan. Don’t disappoint me,” He stated. Napapikit ako ng mariin. Disappointing Lolo is the last thing that I want to do. Masyadong mataas ang tingin ko sakanya simula noong maliit pa lamang ako. “I won’t sir,” I replied. “How’s the clothing line that T13 will endorse?” Pangangamusta niya. “Bukas ang schedule ng photoshoot nila,” I replied. “Good,” Iyon lang ang sinabi niya at ibinaba na ang tawag. I let out a deep sigh. Napahilot na lang ako sa sentido ko dahil sa pagsakit ng ulo ko. Malapit na yata akong magka wrinkles dahil sa stress. Muli ko na lang hinarap ang aking laptop para magtrabaho. -- It was 7PM when I decided to go home. I’m on my way to the parking while playing my keys on my fingers. My forehead furrows when I saw a familiar guy resting his back on my car. Habang palapit ako ng palapit ay mas lalo ko siyang namumukhaan. Awtomatikong napataas ang kilay ko nang makalapit ako sakanya. Umayos siya ng tayo nang makita ako. Tinignan ko lamang siya at ganoon din ang ginawa niya. His face is relaxed pero napakalakas ng dating. Tinignan ko ang lalaking nakatayo saaking harapan at mataman akong tinitignan. He looks calm, silent and gentle. Parang napakaamong tupa, gusto kong matawa. Alam ng lahat ay isa siyang kalmado, tahimik at mabait na tao. Iyon ang akala nila. Hindi nila kilala kung sino ang tunay na ugali niya sa likod ng kanyang mapanlinlang na maskara. Double D, Dangerous and Devious. “Stop blocking my way I need to get inside my car,” masungit kong sabi. “Did you ate the food?” hindi niya pinansin ang sinabi ko at tinanong niya lang ako tungkol sa pagkain na ipinadala niya kanina. I rolled my eyes. “Yes, I ate it, now get out of my way.” iritado kong sabi. Napaka hirap para sa ego ko na aminin sakanya na kinain ko yung ibinigay niya kaya mas lalo lang akong nairita. Hindi ko naman talaga dapat kakainin ‘yon pero bigla akong ginutom. “You have your way of saying ‘Thank you’ Dav,” he retorted sarcastically. I raised a brow. Anong gusto niya magpasalamat ako? Bakit hiniling ko ba sakanya na bilhan niya ako ng lunch?! “Wala akong maalala na inutusan kitang bilhan mo ako ng lunch,” pangangatwiran ko sakanya at pinaiikot-ikot ang susi sa aking mga daliri. His jaw clenched. His mouth parted like he wants to say something but he’s controlling himself to spill the words. “Hatid na kita,” iyon na lang ang nasabi niya. “I can drive,” pagmamatigas ko. Hindi ko kailangan ng driver and boy, being with him, just the two of us, in the same car might suffocate me so no, thank you very much. Walang pakialam niya akong tinignan at nilapitan kaya awtomatiko akong napaatras ng kaunti. His blue green eyes are fiercly looking at me while walking towards me. Patuloy lang ako sa pag-atras hanggang sa maramdaman ko saaking pwetan ang gilid ng isa pang kotse na nakapark. Damn it! Now he’s few inches away from me. Wala akong ibang nagawa kung hindi titigan siya ng masama. Mas lalo pa siyang lumapit kaya nagdikit na ang mga katawan namin. Isinangga ko ang kamay ko sa dibdib niya para huwag kaming tuluyang magdikit. Sumilay ang iritasyon sa mukha ko. “What the f**k are you doing, Greg!” I said in gritted teeth. He touched my cheek using his left hand then I felt his warm breath on my ear. “Don’t be too hard on this, Dav.” he whispered in my ear that sent thousand shivers into my spine. Ilang mura na ang nasambit ko sa aking isip. I want to push him away but my hands are too weak because of his presence. “Just cooperate with me, hmm?” His voice is husky yet hypnotizing. Hindi ako makaisip ng isasagot ko sakanya. Para bang napupudpod ang talas ng dila ko kapag ganyan siya kalapit. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwang nang lumayo na siya saakin. Nanatili ang kamay ko na nakasangga sa ere kahit na malayo na si Greg sa’kin. Nang mapagtanto kong mukha na akong tanga ay ibinaba ko na ang mga kamay ko. Tinapunan ko ng masamang tingin si Greg na ngayon ay tinignan naman ang kanyang wrist watch. “Let’s go, Dav. It’s getting late.” pag-aya niya saakin. Kinunutan ko naman siya ng noo. “Ano bang hindi mo maintindihan sa ayaw kong magpahatid sa’yo?” maanghang kong sabi. He just grinned and raised my keys in the air hanging on his index finger. Namilog naman ang mga mata ko. f**k! Bakit ba hindi ko napansin na kinuha na niya pala ang susi mula sa kamay ko! “Too late,” ngisi niya at tuluyan ng pumasok sa sasakyan ko. “Ugh! Damn it!” mura ko at wala na akong nagawa kung hindi mag martsa papasok sa sasakyan ko. Padabog akong umupo sa passenger seat at padabog ko ring isinara ang pintuan. I heard him started the engine. Mas lalo lamang umasim ang mukha ko. I crossed my arms on my chest while he’s driving. Walang nangahas na magsalita saamin at ako naman ay nakatingin lang sa bintana. I’m so annoyed because he outsmarted me! He used his charm to get my keys! Maya-maya pa ay narinig ko ang pag-sindi niya ng radyo kaya awtomatikong dumako ang tingin ko sakanya. The genre of a song is like an indie rock. We run into a dark room And we spasm to the sounds Of a copy of Morrissey Or the blues of the Deep South The intro was good and it’s too mellow. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa bintana habang pinapakinggan ang kanta. And the drugs will only hide it The feeling never really goes You won't find love at the bottom Of a glass seat home I kept listening to the song at namangha ako nang pumasok na yung tunog ng drums. We've got work in the morning But it's nearly 5 AM Is this really what we envisioned? We won't be 21 again And in the haze you see colours And problems suddenly make sense But the way you've been going You'll be in an early grave I love the part when his voice raised. Maganda ang pagkakagawa ng kanta at ang lyrics nito. I need to listen to a good song to get an inspiration for writing a song. Isa rin kasi iyon sa trabaho ko sa kompanya. And you don't know what you've got until it's gone And you don't know who to love until you're lost And you don't know how to feel until the moment's passed I wish you'd live like you're made of glass Sa sobrang pagsusuri ko sa kanta ay hindi ko na napansin na kasama ko pa pala si Greg. Napatingin lamang ako sakanya nang marinig ko ang pagtikhim niya. “Getting ideas?” He said and he briefly glanced at me. I just nodded. “Have you composed lyrics in your mind right now?” he asked out of the blue. “No,” I replied. Paano ako makaka compose ng kanta sa lagay kong ‘to? Really? Love song ang patok sa mga tao ngayon, sa tingin niya ba may natitira pang love sa katawan ko ngayon? “In order to compose a song you should put your emotions in every lyrics that you’re writing,” He said matter of factly. “How did you know? Have you wrote a song already?” I mocked. Kung makapagsalita kasi parang ang expert ng mokong. Ni hindi pa nga siya nagsulat ng kanta para sa banda nila. He glanced at me and looked me in the eyes. “Yeah.” he replied as he looked away. I was caught off guard for a second. He did? Bakit niya sinasabi? “Bakit hindi mo isinali sa album niyo last year?” I questioned. Maybe that song could be one of hits and we will earn a lot of money from that. Hindi ba siya nag-iisip? “Tss. I didn’t write that for the band,” Mas lalo ko pa siyang tinitigan at tinaasan ng kilay kahit na hindi siya nakatingin saakin. “Then you wrote it for whom?” usisa ko. “Hindi mo na kailangang malaman,” sagot niya na naging dahilan ng paniningkit ng mga mata ko. I laughed with no humor. Bakit niya pa babanggitin ang tungkol sa kantang isinulat niya kung hindi niya naman babanggitin kung para kanino ‘yon diba? Tss. Binalingan niya ako ng tingin at tinignan ako gamit ang kanyang normal na ekspresyon. “May problema ka ba, Dav?” tanong niya. Inirapan ko siya. “Bakit naman ako magkaka problema? Ano namang paki ko kung kanino mo isinulat yung kanta?” I fired back. It’s no big deal. Really, he could write a song for every girl that he want and I wouldn’t giving a single f**k. “But you sound like there is, Ma’am.” ngisi niya saakin. I laughed mockingly. “Pwede ba, stop assuming that I give a damn in everything that you do. You should know by now that this is the way how I speak. Talagang walang magandang lumalabas sa bibig ko.” iritable kong sagot sakanya. Ang kapal naman ng mukha niya para isiping hanggang ngayon ay may pakialam pa rin ako sakanya. Years had passed already! “Fine, you don’t give damn about me.” siya naman itong nainis ngayon. I just rolled my eyes and I didn’t utter a word anymore. I’m too exhausted to argue with him. Gusto ko lang matulog at magpahinga ngayon. -- We arrived in my condo already. Hinatid niya pa ako sa may pintuan kahit naman panay ang tanggi ko. Sa bandang huli ay nagkasagutan pa kami pati sa elevator papunta sa unit ko. We’re now standing on my front door. Pinasadahan ko siya ng tingin. He looks exhausted too. Mukhang ilang oras din siyang naghintay kanina saakin. Ayoko mang maramdaman ito pero may kaunting guilt ang rumehistro saaking puso. “Anong sasakyan mo niyan?” I asked him. “Mag ca-cab ako. Pumasok ka na,” aniya. I let out a harsh sigh. “Just use my car,” I said dryly and raised the key in the air so he could get it. Tinignan niya lang iyon. “I don’t need that. Pumasok ka na lang,” aniya at napahilot sa nosebridge niya. “Anong gusto mo? Pagkagulahan ka habang kumukuha ng cab?!” ginawa ko na lang dahilan iyon para ‘wag na siyang tumanggi. Nagiinarte pa kasi ako na nga itong nagmamagandang loob. He tsked and ran his fingers through his hair. “Ang kulit naman. Hindi ko na nga kayang magmaneho kaya mag ca-cab na lang ako,” paliwanag niya at napahilot sa sentido niya. I raised a brow. “So anong gusto mong puntuhin? Na ipinag drive mo ‘ko kaya sa bandang huli hindi mo na kayang magmaneho pauwi?!” nagmamaldita kong sabi sakanya. “What? No, Dav. That’s not what I meant.” confusion is written all over his face and his eyes widened. Humalukipkip ako at tinaasan ko pa siya lalo ng kilay. “E gano’n ang dating saakin! Sinabi ko naman kasi sa’yong kaya kong magmaneho diba?! Pero mapili—” I wasn’t able to finish my sentence when he snatched the keys on my hand. “Okay? Heto na. Happy?” aniya at ipinakita pa saakin ang susi na hawak niya para matapos na. Ilang sandali lang ay naguilty nanaman ako dahil naalala kong hindi niya pala kayang magmaneho. “Hindi mo kaya hindi ba? Ikuha na lang kaya kita ng uber?” Marahas siyang napahilamos sa mukha niya gamit ang pala niya. “Just go inside, Dav.” aniya at mukhang nagtitimpi. Tumalikod na lang ako sakanya at binuksan ang pintuan pero bago pa man ako tuluyang makapasok ay muli ko siyang hinarap na mukhang hinihintay akong makapasok. “Akin na yang susi ko. Mag uber ka na lang baka mamaya kung mapan—” “Tang ina naman, Davina.” aniya at pabalang na ibinigay saakin ang susi at hinawi ako para pumasok sa loob ng unit ko. Namilog naman ang mga mata ko. “What do you think you’re doing!” I hissed. “Magpapasundo na lang ako kay Pierre at dito ko na lang siya hihintayin. Ang hirap mong intindihin!” aniya at sumalampak sa sofa sabay kalikot sa phone niya. (Song used 5 AM Amber Run)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD