Well played
FIVE YEARS AGO
Simula nang paglabas ko sa music room na iyon kahapon ay hindi ko na nakita si Greg. I don't know if I should call it a 'good sign' or what. Good sign kasi hindi ko alam kung ano ang ire-react ko kung nakita ko siya kahapon. Putangina talaga! Ang galing niya talagang maggulo ng utak.
I 'tsked' and shook my head because I'm drowning with my own thoughts again. Muli akong bumalik sa realidad at napansin kong tinitignan ako ng ilang mga babae dito sa cafeteria. Iba-iba ang emosyon na nakikita ko sakanila. Yung iba ay parang nahihiya pa nang mahuli ko silang nakatingin saakin kaya nag-iwas sila kaagad. Yung iba naman ay nakipag contest pa sa titigan saakin at syempre hindi ako nagpatalo. Sinamahan ko pa 'yon ng pagtaas ng kilay kaya sa huli ay nag-iwas na lang sila ng tingin.
Mga letse! Inggit nanaman kayo sa ganda ko!
"Hi, can I join you?" nalipat naman ang atensyon ko sa lalaking may dalang tray at nakatayo ngayon saaking harapan.
"No," walang pakundangan kong sagot. Simula nang magtransfer ako dito sa Northfields ay wala pa akong nagiging kaibigan. There are three reasons why I don't have friends, it's either they hate me or they're scared of me but that's okay because my third reason is, I don't want to be friends with them. I'm better off alone. I don't need dramas in my life!
Napangisi naman siya. "Harsh. I like harsh girls," he replied. This guy standing infront of me is handsome, kilala rin siya at habulin ng mga babae pero hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi ko kasi siya type at wala akong pakialam sakanya kaya hindi ako interisado na malaman ang pangalan niya.
"I don't remember asking for your opinion," maanghang kong pahayag sakanya. He let out a sexy chuckle.
"Your tongue is sharp, woman. Is biting your lower lip is your hobby? If so, that explains the bruise on your lower lip." My eyes narrowed and my cheeks turned into crimson red. Damn Greg!
"Aw you're blushing. That's cute. Baka naman kasi iba ang may gawa niyan?" aniya at inginuso pa ang labi ko.
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Boy, you're so nosy and that's not cute," I retorted. He just shrugged. Hindi ba siya nahihirapan dahil kanina niya pa bitbit ang tray niya? Bakit hindi niya pa ako iwanan! Kabanas!
"Hoy Keira, lumalandi ka nanaman diyan!" may lalaking biglang sumulpot sa likod niya. I think he's the drummer of Track 13. I can recognize him because Greg is always standing near him everytime they play on stage. Sa pwesto lang kasi ni Greg ako nakatutok tuwing tumutugtog sila at wala na akong pakialam sa iba.
"Chiil, just making some friends here." sagot naman ni 'Keira' sakanya.
"Ayun table natin, gago. Nandoon ang mga kaibigan mo! Sina Greg at Gio!" kumalabog naman ang puso ko nang marinig ko ang pangalan niya kaya kaagad akong napatingin doon kay drummer boy. Tinignan niya rin ako.
"Ikaw si Davina diba?" aniya.
I nodded. "You know me?" nagtataka kong tanong. Did Greg told me about his friends?
"Naman! Sa gaspang ba naman ng ugali mo," He said and gave me his boyish smirk. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Gago 'to ah. Tumawa naman si Keira dahil sa sinabi ni drummer boy.
"Why don't you f*****g drag your friend's ass back to your table and give me peace?" I suggested full of sarcasm.
He just grinned. "Come on, bro. I'm gonna drag your ass back to our table,"
"I will gladly let you," sagot naman ni Keira at nagtawanan pa sila. I just rolled my eyes. Bromance. Bago sila tuluyang umalis ay binalingan ako ng tingin ni Keira at kinindatan. Napaawang na lang ang bibig ko dahil sa iritasyon. Lakas ng loob! Saan siya kumukuha ng kapal ng mukha para landiin ako?!
"Bro, game ka mamaya?" dinig kong sabi ni Keira. Nakuha pa nilang magdaldalan talaga.At kung makapag-usap ay parang hindi nila ako pineste kanina. Seriously, Greg? Why are you friends with them?
"Nope. May lakad ako with my family."
"Kasama 'yung destiny mo?"
"The f**k, man!" Singhal ni Pierre at tinawanan siya ni Keira. Tss. Ang daldal ng mga 'to bakit hindi pa sila kumilos? Parang narinig nila ang sigaw ng utak ko at nagpatuloy sila sa paglalakad.
Sinundan ko sila ng tingin at nakita kong nagpunta sila sa katabi ng kabilang table. I saw Greg at the guy named 'Gio' looking at my direction. Pero si Greg ang mas tinitigan ko. Napaka casual ng mukha niya at parang walang nangyari kahapon. Nang makalapit na sina Keira sakanila ay itinuon na nila ang kanilang pansin sa table nila at nagsimulang magkwentuhan.
Damn, ano ba 'yon? Bakit gano'n lang ang reaksyon niya! Most of the guys in novels that I read (Well, Novels that Olivia owned) will secretly smirk at the protagonist if they secretly made a contact pero siya bakit gano'n! Na fu-frustrate na ako!
Ininom ko na lang ang bottled coffee na palagi kong binibili para pakalmahin ang sarili ko at para makapag-isip na rin ng maayos. Nakaka-sira ka ng bait, Greg Garde!
--
Tapos na ang klase ko kaya nagsimula na akong maglakad patungo sa gate. Maraming estudyante rin ang papunta sa gate, yung iba ay parang kiti-kiti dahil sa excitement na makauwi. Kung minsan ay nabubunggo pa nila ako. Hindi ko na lang pinatulan dahil masyado ng sira ang araw ko para sirain ko pa sa mga katulad nilang walang kwenta.
Natigilan ako sa paglalakad nang makita kong papalapit sa direksyon ko si Greg. My heart skipped a beat the moment that I saw him. Damn! Bakit ba ganito na lang ang epekto niya saakin? He's looking at me wearing his relaxed expression and when he was just few inches away he slightly smiled at me.
Kahit na gusto ko ng malusaw ay umayos ako ng tindig at malandi siyang nginitian. I knew it he wants to talk. Siguro ay hinahanap-hanap niya ako at yung hitsura niyang walang pakialam kanina sa cafeteria ay palabas niya lang para huwag siyang paghinalaan ng mga kaibigan niya. Boy, I like that.
"Hey," he casually greeted.
"He–" naputol ang pagbati ko pabalik sakanya nang lampasan niya ako. Namilog ang mga mata ko at awtomatiko kong sinundan siya ng tingin. Para kong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kahihiyan saaking sarili! Oh f**k it! Hindi naman pala ako ng pinupuntahan niya kung hindi ang babae sa likod ko!
Pakiramdam ko ay bumaligtad ang sikmura ko at parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. I can also hear how my ego crushed into million pieces. Bullshit!
"Oh hey, Greg. I was looking for you everywhere," saka ko lang napansin na si Sabrina pala ito. The president of the StuCo. Syempre kilala ko siya, palagi kaya akong nasisita sakanya. Nakakairita talaga.
"I know, I'm sorry. Hinanda ko lang 'yung sasakyan ko." He explained. Bakit sakanya nag-paliwanag at nag sorry pa siya e ganon lang naman ang ginawa niya! I think I need an explanation too because after what he did wala na, and I deserve an apology from him for making me feel like a trash. Yeah, a trash!
Ang isang Davina Fornari ay tinatrato niya na parang basura! Siya ang kauna-unahang lalaking nakagawa no'n!
Sabrina smiled. "It's okay. Here's the list of the things we need," aniya sabay abot ng papel kay Greg. Ngumiti naman siya at tinanggap ito at binasa.
"Just text me kung kailan ka mamimili para masamahan kita," sabi pa niya. I crossed my arms while standing here, watching them. I look like a stupid-nosy-pathetic-stalker. But the hell care? Sirang-sira na rin naman ang ego ko kaya lulubus-lubusin ko na.
Pero text? Ibig sabihin ay may numero sila sa isa’t-isa? Nakakainis!
"No I got this," aniya. Okay, gentleman. Tss.
"Sure ka? Nakakahiya naman!"
"It's okay. May kotse naman ako," sagot pa niya. Okay, Davina? Balak mo ba talaga silang panuorin at pakinggan habang nag-uusap? Syempre! Syempre naman!
Kailangan kong makuha ang atensyon ng lintek na 'to! Hindi ko kasi matanggap na nagawa niya akong ipahiya sa sarili ko. What the f**k! No one has treated me like the way he's treating me!
"Okay salamat. 'Wag kang mag-alala kami na bahala sa pag o-organize. Sige na, alis na 'ko. May lakad pa kasi kami ng family," paalam niya.
"Sige ingat," paalala niya. Kumukulo na talaga ang dugo ko! Hindi pa ba sila matatapos?!
"You too," sagot niya bago naglakad paalis. Napansin niya pa ako na nakatayo rito at tipid akong nginitian bago naglakad ng tuluyan paalis. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Greg na ngayon ay nakaharap at nakatingin na saakin.
I was waiting for him to approach me but he didn't! He just gave me his famous smile for the sake of his position as a vice president before passing me by. Napapadyak na lang ako sa inis. Putangina! Putangina talaga! Umikot ako para harapin ang nakatalikod na si Greg na naglalakad paalis.
"Hoy Gregory Garde!" I yelled and my voice boomed around the place. Napatigil naman siya sa paglalakad. Ganoon din ang iba, yung iba ay nakatingin na rin samin at mukhang gustong manood ng eksena. Wala na akong pakialam sakanila! Gusto ko lang ilabas itong init ng ulo ko dahil punyeta! Ayoko sa lahat ay ang pinagmumukha akong basura at tanga!
Unti-unti siyang humarap saakin.
"Yes Davina Fornari?" casual niyang sagot habang nakatingin saakin at naghihintay ng sasabihin ko. I looked at his blue green eyes and I swear to God I should be yelling how jerk he was for these nosy students to hear but damn! I got tongue tied by those piercing eyes!
"Can we talk?" my voice is raspy. Iyan na lang ang nasabi ko. f**k, how can he manipulate me by just looking into my eyes? How?
"Sure we can," sagot niya. Para namang may pumindot ng 'Play' sa remote dahil awtomatikong nagsipag-alisan ang mga kapwa namin estudyante na may balak pang panuorin kami kanina. Mukhang hindi nila nakita ang inaasahan nilang mangyayari kaya nag-siuwian na lang sila.
Humakbang ako papalapit sakanya.
"Let's go," he commanded as he turn his back at me and started walking. Sumunod naman ako sakanya habang mahigpit ang hawak ko sa bag ko. Dinala niya ako sa parking at huminto kami sa kulay itim niyang sasakyan. Hindi ko inaasahan nang buksan niya ang passenger seat.
"Let's talk inside, get in," mahina at maawtoridad niyang sabi habang tumitingin sa paligid. Ikinahihiya niya ba na pinapapasok niya ako sa kotse niya? Para ng malaman niya, maraming lalaki ang nangangarap para pumasok ako sa kotse nila at ako lang itong tumatanggi!
Wala akong nagawa kung hindi pumasok. Umikot naman siya papunta sa driver's seat at pumasok na rin. He's few inches away from me at nagwawala nanaman ang mga kung ano sa tiyan ko.
"What do you want to talk about?" he said as he c****d his head to look at me. I was already looking at him so I was kinda surprised when he caught me. Pero unti-unting nagbalik ang galit ko nang pumasok sa isipan ko ang mga ginawa niya.
"About this," mariin kong sabi at itinuro ang pang-ibabang labi ko na may sugat. Nagbaba naman siya ng tingin sa labi ko.
"What about that?" aniya at tinignan akong muli na parang normal lang ang sugat ko sa labi at parang hindi siya ang gumawa! Pakiramdam ko ay namumula na ako dahil sa iritasyon!
"What about this? Honey, you did this to me," sarcastic kong sabi. Mas pinili kong huwag magwala. Mas lalo ko lang gagawing tanga ang sarili ko sa harapan niya kung magpapaka eksaherada ako. Tangina, gagamitin ko na lang ang charm ko.
"You provoked me," aniya at dumiretso ng tingin sa windshield at isinandal ang ulo niya sa inuupuan niya.
Natawa na lang ako ng pagak. "You know what. You're a good player," I sneered. Napakagaling niya kasing magmanipula.
"I hope that's a compliment," sagot niya habang hindi pa rin nakatingin saakin. Nirerelax niya lang ang katawan niya.
"I guess it is," sagot ko. "But you know what? Two can play this game," I said boldly. Mula sa pagkakaupo ko ay dahan-dahan kong itinaas ang katawan ko para magkapantay ang mga mukha namin. His eyes narrowed pero kaagad din naman niyang binawi ito.
"You're treating me like a trash now but soon you'll realize that I'm a precious gem that you should keep," I smirked.
"Really?" he sneered. Mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko sakanya. Halos maduling naman siya dahil ayaw niyang magpatalo sa titigan. Ni hindi man lang siya umiwas ng tingin.
"Really." I whispered near his lips. I cupped his face at muntik na nga akong tuluyang bumagsak pero kaagad na naglandas ang mga kamay niya sa perpekto kong kurba para alalayan ako.
Mapang-akit ko siyang hinalikan sa tungki ng kanyang ilong. I saw his eyes closed for a brief second. Matapos ko siyang halikan sa tungki ng kanyang perpektong ilong ay ibinaba ko ang ulo ko para maglapit ang mga labi namin pero hindi ko iyon ipinagdikit. I know he was waiting for me to brush my lips on his but I didn't. Kaagad akong lumayo sakanya at bumalik sa dati kong pwesto. He c****d his head automatically on my direction. Nakaawang ang bibig niya. Mukhang hindi niya inaasahan na hindi ko itutuloy ang paghalik sakanya.
"Bye, I gotta go," ngisi ko sakanya at
mabilis na lumabas ng kotse niya. I grinned and flipped my beautiful hair.
You messed with the wrong girl, Greg.