Chapter 6

3430 Words
Chapter 6  Punishment   FIVE YEARS AGO   Damn my head hurts. I didn't get enough sleep last night because of the bed. Lumalabas na yung spring ng bed kaya pati likod ko ngayon ay masakit. Like what the hell? Bakit hindi nila ipaayos. Anong klaseng hotel iyon! Ni hindi nila mabigyan ng magandang serbisyo ang mga naka-check in doon! And the worst thing is I have to go to class enduring this pain in my back.   I was on my way for my first period when I heard two junior girls talking while walking on the hallway. Kung tutuusin ay wala naman akong pakialam sakanila pero narinig ko ang pangalan ni Greg kaya naging interisado ako bigla.   "I can't really believe it! Feeling ko naman magugustuhan na dapat ako ni Greg!" The girl whined. I rolled my eyes upward. Hindi ba nag-almusal 'tong batang 'to?   "Tama na. Kanina ka pa nagwawala diyan. Hindi ka naman sure na inagaw nga talaga siya sa'yo. Tsaka paano mo naman nasabi na gusto ka ni Greg?" Her friend asked. I agree with her. Ang bata niya pa para magustuhan ni Greg. She's like what, Grade 8?   "Syempre tuwing binabati ko siya ay nginingitian niya ako. Tuwing nilalapitan ko siya maganda yung pakikitungo niya sakin! Pero nakita ko kahapon, isinakay niya sa kotse niya si Davina Fornari!" Nangiggili niyang sabi. Tumaas naman ang kilay ko. Little did they do that I was just walking behind them listening to her non-sense rants. This kid is hopeless.   "Baka hindi ka naman gusto. Baka mabait lang talaga siya sa'yo tapos ang gusto niya talaga ay yung Davina," paliwanag nung kaibigan niya. I think I'm gonna like this girl.   "Is he going to be nice to me if he doesn't like me?! Inagaw lang siya sa'kin nung Davina na 'yon! Mangaagaw siya! I hate that girl!" nagpantig ang tenga ko sa narinig. So I cleared my throat and that made them stop from walking. They c****d their heads to look at the back and they were surprised when they saw me. Especially the delusional girl who thinks that Greg likes her. Oh please, her boobs aren't even fully developed.   "I heard you two are talking about me," I grinned and walk towards them slowly. Namutla naman yung babaeng ambisyosa at yung kaibigan niya ay kumapit sa braso niya ng mahigpit dahil sa takot. Oh girl don't worry I won't eat you, well not you, just your delusional friend.   "You," sabi ko at tinignan si delusional girl. Napalunok naman siya. "Bakit hindi ka makapagsalita ngayon? Kanina lang ang tapang mo diba?" paghahamon ko sakanya. Hindi pa rin siya nagsasalita at mukhang naiiyak na.   "Stop being delusional, kid. Greg doesn't like you and stop accusing me that I took him away from you. Paano ko siya aagawin sa'yo kung hindi naman siya iyo? Hindi ko rin kasalanan kung bakit mas gusto ako ni Greg kaysa sa'yo. I mean, who wouldn't, right? Sa ganda kong 'to."  maanghang kong pahayag. Maganda na, sexy pa. Ano pa bang hahanapin ni Greg sakin diba? Kung bakit kasi nag-iinarte pa siya.   Bigla naman siyang umiyak at pilit siyang pinapatahan ng kaibigan niya. "What? Are you just gonna cry there? “Hindi ka sasagot? Hindi ka lalaban?" nanghahamon ko pang sabi.   Hindi siya sumagot and she just cried harder. Parang kulang na nga lang ay tawagan niya pa ang nanay niya. E, wala naman pala ‘tong binatbat! Akala mo kung sinong matapang! Kanina ay ang dami-daming sinasabi pero ngayon, ano? Ngumangawa lang.   "Come on! H'wag mong sayangin ang oras ko't naghihintay ako! Nasaan na ang tapang mo?" I sneered.   "Davina!" pare-pareho kaming napatingin doon sa lalaking tumawag saakin. Biglang na excite ang puso ko nang makita ko siya. Kumunot kaagad ang noo niya nang makalapit siya sa amin.   "What's happening here?" He demanded for an answer by using his vice president aura. Nagpalipat-lipat ang tingin niya saamin. I just crossed my arms on my chest and raised a brow at the delusional kid who turned out to be a cry baby too.   "I-inaaway niya 'ko," humihikbing niyang sumbong at itinuro ako. Namilog naman ang mga mata ko. Yung ginawa ko kaagad yung isinusumbong niya? Bakit ba hindi niya sabihin na 'Pinagtsi-tsismisan kasi namin siya kaya ngayon ay inaaway niya ako.' I think that is the appropriate thing to say!   "You're ridiculous!" I spat at the girl. Mas lalo naman siyang umiyak at nagmamakaawang tinignan si Greg. Paawa 'tong leche na 'to!   "Davina," Greg said in a warning tone.   "What?!" I hissed. Nakukuha na rin namin ang atensyon ng mga ibang dumadaan. But I don't care. Immune na yata ako sa atensyon.   "Stop crying and go back to your class, okay?" mahinahong sabi ni Greg doon sa babae.   "Baka awayin niya ako ulit," lalo pa siyang naiyak.   Napaawang ang bibig ko and I looked at the girl ridiculously.   "Tumigil ka nga diyan sa pag-papaawa mo!" sita ko sakanya.   "Tama na kasi," dinig ko pang bulong ng kaibigan niya sakanya. Buti pa 'tong kaibigan niya ay matino. Bakit kaya hindi niya hawaan ang babaeng 'to minsan?   "Last warning, Fornari," pagbabanta ni Greg saakin at muling binalingan ng tingin yung babae.   "Don't worry, I'll talk to her. Pumasok na kayo at male-late na kayo..." Greg said softly to those girls.   "Thank you so much. You're really a kind hearted man," she said between her sobs. Greg just smiled at her and I just made a face. I can already predict the future of that girl. She's going to be a witch someday, I'm positive.   Hinatak na siya paalis nung kaibigan niya at humingi pa ng pasensya saakin. Muli naman akong hinarap ni Greg.   "Detention," maawtoridad niyang sabi.   "f**k! Again?! Bakit ako lang?!" I hissed. He's being unfair for f**k's sake! Hindi niya naman alam kung ano ang totoong nangyari.   "Language, Fornari," 'yon lang ang sinabi niya at nagsimula ng maglakad. Wala naman akong nagawa kung hindi sumunod at ang mga audience namin ay sinundan pa kami ng tingin. Some are giving me dirty looks but I didn't cared. People really love to judge kahit naman hindi pa nila alam ang totoong nangyari. Tapos yung mga iba mangbibintang pa kahit na hindi naman alam ang tunay na nangyari. Yung mga putanginang mema!   Pagpasok namin sa detention ay kami lang dalawa ang nandoon. Tinignan niya ako gamit ang maawtoridad niyang mga titig. He's like rubbing on my face that he's the vice president and I should act proper.   "This is your third time for this month," he reminded me. I know, the first one is because I throwed a book on that annoying guy who was kicking my seat, I throwed it straight to his face, the second one is when I argued with our calculus teacher. Mali naman kasi talaga yung pagkaka- solve niya! Ayaw niya pang tanggapin. And the third time is this. Bullshit yung batang 'yon. Dinaig pa ang artista kung umarte.   "I know and that delusional girl must have her first time here!" I argued.   "You made her cry!" Giit niya saakin na para bang nainsulto ko ang buong salinlahi ng batang iyon.   "So kung sino yung umiiyak siya yung biktima at 'yung nagpaiyak siya na ang may kasalanan?!" I yelled. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako kaagad ang sinita niya, e. Papaiyakin ko ba ang batang star magic na 'yon kung wala siyang ginawa saakin?   "Do not yell at me, Fornari." he warned.   "I just want to make you realize that you are being unfair! Hindi mo naman alam kung ano talaga ang nangyari!" I still continued yelling at him. His jaw clenched.   "Then tell me..." he ordered in gritted teeth.   "They were talking about me! Lalo na yung bubwit na 'yon! Kesyo inaagaw daw kita sakanya! Bakit?! Kanya ka ba?! Pag-aari ka ba niya?!" I hissed.   He licked her lower lip as he shook his head. "No, I don't belong to anyone but seriously? 'Yon ang rason kung bakit mo pinaiyak yung bata?" He asked in disbelief.   "What do you mean? Bakit ganyan ang tono mo?"nagtataka kong tanong sakanya.   "Hindi 'yon rason para patulan mo ang isang Grade 8, Fornari. Ikaw ang nakakatanda ikaw ang magpasensya. Or maybe you should've approached her in a nice way. Pero hindi, hinahamon mo pa, e." Sermon niya saakin. Sandali naman akong natahimik. Putangina naman. He has a point but Gosh! May kasalanan din naman yung bata diba?   "Sorry ha! Wala kasi ako nung tinatawag mong, ano yon? 'Pasensya'?" I said sarcastically after I recovered from my silence.   He sighed. "Grow up," iling-iling niyang sabi. Grow up?! Anong sinasabi niya na immature ako? Damn it. Gusto ko sanang magmura pero hindi ko na lang ginawa. I'm not immature, may ipinaglalaban lang ako.   "So what are you gonna do now?" I asked.   "I don't know. Wait for Sabrina she's the one who's gonna decide," he replied. Unti-unting tumaas ang sulok ng labi ko.   "Why, Sabrina? Why not you?" I asked and run the tip of my tongue to the bottom part of my upper teeth.   "Stop flirting with me, Fornari." straight face niyang sabi.   "Naapektuhan ka ba?" I asked him using my bedroom voice. Humakbang ako papalapit sakanya at nilaro ang necktie niya gamit ang index finger ko.   "Tigilan mo 'ko, Davina." aniya at hinuli ang kamay ko na naglalaro sa necktie niya at unti-unti niyang inilayo mula sakanya bago niya ito binitawan. Napanguso na lang ako. He's rejecting me... again!   Sabay kaming napatingin sa pintuan nang bigla itong bumukas. Iniluwa nito ang isang Sabrina Tresvalles. She look smart, sophisticated and respectful. But I'm Davina and I don't give a damn about how you look or what your position in life.   "Davina Fornari, we meet again." seryoso ngunit may bahid ng pagka-sarkastiko sa kanyang boses.   "First of all—" Oh Jesus Christ, if she started an argument using her 'First of all' this argument is going to be long! And boring!   "I already talked to her, Sabrina. Just give her the punishment," putol naman ni Greg sa sinasabi niya. Good job, my baby boy.   "Okay, pasensya na ngayon lang ako nakarating. May summative quiz kami ng first period," paliwanag niya.   "That's fine. Papasok na 'ko," Teka iiwan niya 'ko dito? I looked at him questioningly and pleadingly but he just ignored me and made his way out of this room. Dang! Now it's just me and Sabrina.   "Davina," nanggigil niyang sabi. Tinignan ko lang siya.   "This is your third time for this month. Kapag umabot ng pang-apat ito pasensyahan tayo pero makakarating na ito sa discipline at ipatatawag ang parents mo." She warned. My eyes narrowed. No! No way!   Tumango na lang ako. Hindi na pwedeng masundan pa ito ng pang-apat. Kailangan ko ng mag-ingat. My fourth punishment is going to be the worst and I wouldn't want to experience that.   "Sa ngayon linisin mo na lang muna yung mga CR at shower room,"   "What?!" gulat kong tanong. Ako? Maglilinis ng CR? May CR na may SR pa? What the f**k? Sa dami ng pwede niyang ipalinis mga banyo pa! Aside from it's dirty, there are a lot of comfort room in this university for crying out loud!   "Yung sa gymnasium lang," aniya at napahilot sa sentido niya. I was kind of relief about her statement but that won't change the fact the comfort rooms are dirty.   "When will I start?" I asked.   "After your class," she answered.   -- Hindi ko maalis ang mga mata ko kay Greg habang seryoso siyang nakikinig sa Biology instructor namin. Si sir John. I was feeling a little nervous and uneasy dahil katabi ko siya. I didn’t know what’s gotten in me at naisipan kong umupo sa tabi niya. Late kasi ako at saktong may bakanteng upuan sa kanyang tabi kaya doon ako umupo.  Seems like he didn’t mind. Tinapunan niya lamang ako nang isang mabilis na sulyap at itunuon na niya ang atensyon kay sir John. I wonder what’s very interesting with sir John at hindi niya maalis ang mga mata dito.  Hello! A Davina Fornari is sitting beside you! Kung ibang lalaki lang ang tinabihan ko ay paniguradong na distract na sila at paulit-ulit akong susulyapan. Pero siya? Wala talaga.  Kunsabagay, para namang hindi pa ako nasanay. Simula noong grade 11 kami ay ganito na siya-- misteryoso at madamot sa sulyap. Namilog ang mga mata ko at halos matumba ako nang pabaligtad mula sa kinauuapuan ko nang bigla niyang ikiniling ang kanyang ulo na naging dahilan upang magtama ang aming mga mata. Ang mga mata ko ay napakalawak haban ang kanya naman ay naniningkit habang ang kanyang bagang ay matiim na naka-igting. “Bakit?” I asked, trying to sound casual as I sit straight.  “Will you stop staring?” Sumilay ang iritasyon sa kanyang tono.  Umarko ang aking kilay. “Anong masama sa pagtitig? Pasalamat ka pa nga at tinitingnan kita,” Ibinulong ko ang panghuli upang hindi niya ako marinig.  “It’s making me uncomfortable so you’ll forgive me if I don’t feel grateful at all. Makinig ka sa idini-discuss sa harapan, h’wag mong aksayahin ang binabayad ng mga magulang mo.”  Napairap ako, narinig niya pala. Napakasungit naman ng lalaking ito! Akala mo gwapo, porket gwapo! “Nakikinig ako! Para ka ngang golgi apparatus, e. Napaka controlling mo!” pabulong ngunit matigas kong sabi. That’s the only thing that I heard from sir John na naintindihan ko. He mentioned that it is responsible for distributing whatevers, basta it is the one in control. “Hindi kita kino-kontrol, I’m doing my job as the vice-president of this Student Council so might as well do your job as a student too and pay attention to your instructor in front.” aniya at muli nang itinuon ang atensyon kay sir John.  I just glared at him for solid twenty seconds, hoping that he would tilt his head to face me and lecture me for misbehaving again pero pinanindigan niya talaga ang pag-iignora sa’kin at ang pagiging walang pakialam niya. Akala nito!  Buong oras ay badtrip ako ngunit mas lalo pa akong nairita nang biglang sabihin ni sir John na maglabas daw kami ng 1 half lengthwise. Medyo nakaramdam rin ako nang pagka-aligaga dahil wala akong kahit na anong dalang papel.  “Start numbering your papers 1-20… tandaan, kapag lumingon ka akin ang papel mo.”  Tumingin ako sa mga kaklase ko sa likod, they were busy numbering their papers at ayoko ding manghingi sa kanila dahil mga insecure ang tatlong ‘to so ganda ko. Almost everyone in this university don’t like me, pucha wala nang bago doon. I almost jumped on my skin when a hand slightly slapped on my armchair. Nang tingnan ko iyon, it was Greg’s hand. Binigyan niya ako ng papel! Tiningnan ko siya nang may ngiti sa mga labi. “Thank--”  “1-20, Fornari.” matigas niyang sabi, pointing my empty paper tapos ay muli na niyang itinuon ang atensyon sa harap. Nakangiti akong nasulat ng numbers sa papel ko kahit na sinusungitan niya pa rin ako. Hindi nagtagal ay nag-umpisa na ang quiz, ang kaninang ngiti ko ay unti-unting natanggal nang marinig ko isa-isa ang mga tanong. Hindi ko alam kung mapapasabunot ba ako sa buhok ko o ano dahil wala akong alam ni isa. s**t! s**t! Tangina, wala bang multiple choice ‘to? Nakahinga na lang ako nang maluwang nang true or false na ang sumunod na mga tanong tapos ay hinulaan ko pa! Mabuti na lang talaga at si sir John ang magche-check nito.  Nang matapos ang quiz ay dapat ko nang iaabot sa tao sa harap ko ang papel ko ngunit biglang nagsalita si sir John.  “Exchange papers with your seatmate, tapos kung sino ang naka exchange mo ay siya ang mag a-announce ng score mo.”  Hala, putangina! Napalunok ako at dahan-dahang hinarap si Greg. He looked at me lazily bago siya pumalad. Nagdadalawang isip ako kung iaabot ko ba iyon sa kanya o iaatras para itago mula sa kanya ngunit nagulat ako nang bigla niyang inagaw mula sa akin iyon.  Lalong lumalim ang pagkakunot ng kanyang noo habang tinitingan niya ang papel ko. On the other hand, I was so embarrassed and disappointed with myself. Bakit ba napaka boba ko? Tiningnan ko na lamang ang papel niya na nasa armchair ko na. Maganda ang sulat kamay niya, malinis at walang kahit anong bura. It’s like he really does know what he’s doing hindi katulad ko na hindi alam kung ano ang pinaggagagawa ko sa buhay ko.  Habang inaannounce ang mga sagot ay panay lang ako sa pagche-check ng papel ni Greg, he got the perfect score.  Bagamat nahihiya ako ay tiningnan ko siya at tiningna niya rin ako. Wala akong mabasa sa kanyang reaksyon. Ang hirap niya talaga basahin kahit na kailan. “Zero?” sabi ko at sinamahan na lang iyon ng tawa para hindi ako magmukhang kahiya-hiya.  His jaw clenched as he slightly shakes his head. “Next time you listen, Fornari. Hindi sa lahat ng tanong golgi apparatus ang sagot.” his voice is low and deep, seryosong-seryoso siya at hindi ko alam kung mahihiya na ba ako o ano. “Is it my fault that I was born bobo?”  “Hindi ka bobo, matigas lang ang ulo mo.” Bago pa ako makasagot ay tinawag na ni sir John ang apelyido ko.  “Fornari, Davina,”  Inaantay ko na isigaw ni Greg ang mababa kong score tulad ng ginagawa ng iba sa kakaunting mababang score sa aking mga kaklase pero hindi iyon ginawa ni Greg. Bagkus ay sinenyas na lamang niya iyon kay sir John at ngayon, it’s official, kami lang tatlo nila sir John ang nakakaalam na 3 lang ang score ko.  Pinapangako ko, babawi talaga ako.  --   After attending two classes, I went to the janitor's closet to get the things that I'll be using for cleaning those damn comfort rooms. Mabuti na lang ay marami na rin ang mga estudyante na umalis.   After getting the things that I'm gonna use I immediately went to the gymnasium and started cleaning the comfort room for girls. Thank God wala ng tao dito. I locked the door to prevent people from coming in. Wala akong pakialam kahit na maihi pa sila sa mga palda nila. Kaagad ko namang natapos ang paglilinis ng CR ng mga babae at lalaki. CR pa lang ang natatapos ko pero pawisan na ako. May dalawa pa 'kong shower room na lilinisin nang makalayas na 'ko.   I went to the girls' shower room and there are two girls showering there. Tinignan nila ako at base sa mga ekspresyon nila ay takot sila saakin. Good, dahil ayoko na ulit na mapaaway pa. Without saying anything I started mopping the floor. Tahimik at mabilis ko namang natapos ang paglilinis doon dahil hindi naman naging sagabal yung dalawa. Subukan lang nila ipapakain ko sakanila yung mop na dala ko.   "Last one," I murmured to myself before entering the Boys' shower room.   "Oh f**k!" napamura yung isang lalaki na naka boxer lang nang makita ako.   My cheeks burned when I saw some men butt naked and some rushed to get dressed when they saw me but some are too proud and flaunted their bodies. What the f**k! Sa tiles sa baba ko na lang itinuon ang tingin ko. Damn Sabrina! Shower room pa! Bakit ang unfair naman yata? Doon sa shower room ng mga babae dalawa lang ang nando'n pero dito sandamakmak.   Maybe I've been a very, very bad girl that's why these awful things are happening to me.   "Davina, right?" a guy asked me but I ignored him and started mopping the floor. Halo-halo ang amoy ng mga pabango ng lalaki dito at nakakahilo na. Nag-iisa lang ang gusto kong amoy. It's Greg's. Kay Greg lang.   Umakyat ang init sa ulo ko nang padami na ng padami ang mga lalaking nangungulit saakin. Yung iba ay humarang pa sa mino-mop ko! Tangina gano'n na ba karaming tigang dito?! At as if naman ay papatulan ko sila! In their wildest dreams!   "Leave her alone she's doing her punishment," nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses niya.   Gregory Garde is standing there with a towel wrapped around his waist and God knows what's underneath that cloth! He's wet and the water is dripping down from his hair down to his abs... Cleaning this shower room isn't that bad after all. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD