Prologue

879 Words
“f**k it!” inis kong sigaw at sinipa ang kotse na ginamit para ihatid ako sa aking bagong unibersidad na papasukan. The driver seems not care he just started the engine and left me in front of this stupid university. Gusto kong magwala dahil ang ayos na ng buhay ko sa New York pero bakit kailangan pa nila akong dalhin dito! Hindi ba nila inisip na magmumukha lang akong tanga dahil kung kailan kalagitnaan na ng klase saka pa nila ako tinransfer dito! I rolled my eyes upward as a harsh sigh freed from my nose. Inayos ko ang suot kong crop top stripes sweater at pinapagpagan ang high waist jeans ko. Taas noo na lamang akong humakbang patungo sa gate. Mas lalo lang akong magmumukhang stupid kapag nanatili pa ako dito sa labas habang nauusukan ng mga sasakyan na dumadaan. “ID mo at tsaka bakit hindi ka naka-unifrom? Hindi naman wash day ngayon.” The guard stopped me from stepping inside. “Paano ako magkakaroon ng ID at uniform e kakatransfer ko lamang dito?” Taas kilay kong sabi sa kanya. “Ah, transferee?” “Baka oo?” tipid kong sagot at nando’n pa rin ang sarcasm sa boses ko. Nakakairita! “Pangalan?” tanong niya habang may sinisilip sa papel na nasa harapan niya. “Davina. Davina Fornari.” “Ikaw ang ibinilin sa akin. Umupo na lang kayo doon sa bench na ‘yon at hintayin ang mag o-orient sa’yo dito sa Northfields.” paliwanag niya. Tumango lang ako at tuluyan na niya akong pinapasok. Gaya ng sinabi niya ay umupo ako doon sa isang bench at naghintay. Sampung minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa ring dumarating. God, una pa lang ay ganito na kaagad! Dapat bang paghintayin ang transferee na gaya ko?! I should be getting special treatments the moment I stepped inside this university! Ni hindi man lang sila marunong sumipsip, paano sila makaakay ng maraming estudyante? Panay lang ang tingin ko sa wrist watch ko at maya-maya pa ay may pares na paa ang nakita kong nakatayo saaking harapan. Nag-angat ako ng tingin at handa na sana akong sigawan ito pero parang nagbuhol ang dila ko nang makita ko ang mukha niya. His aura is different. He has a perfect carved jawline. Lapat ang mga labi niya at walang gaanong emosyon sa mukha niya, casual lang ba. He has a blue green eyes na mukhang maraming tinatago. Those devious eyes that can deceive every damn girl. “Davina Fornari?” he inquired. I nodded and stood up that made my sexy body more emphasized. Tinignan ko siya ngunit hindi man lang naglandas ang mga mata niya sa tiyan kong nakalitaw. I raised a brow mentally. Hindi ba niya nakikita na isang full course meal ang nakatayo sa harapan niya? O baka ngayon lang siya mukhang walang pakialam pero maya-maya ay bibigay din siya? Boys are boys. I know that. “Yes and you are?” I said looking up at him. He’s so tall! “I’m Greg Garde the vice president of the student council,” he introduced himself. Deep and husky voice. Oh what the f**k. I smiled.... slightly flirty. “And you’re late. Bad impression ‘yon para sa isang transferee na gaya ko,” I stated. “With that I apologize. I was in the middle of my chemistry exam when they called me. As a matter of fact, ang presidente dapat ang mag o-orient sa’yo pero dahil wala siya ay nandito ako.” kalmado niyang paliwanag habang nakatingin saakin at hindi ko man lang na se-sense ang kaba sakanya. Napaka relax niya at napaka casual. Hindi ako sanay. “Okay,” tipid kong sagot. “Shall we start?” he asked. I nodded and turned his back on me. Another alien gesture to me. Napairap na lang ako sa hangin at napilitang sumunod sa likod niya. Habang naglalakad kami ay ipinapaliwanag niya ang bawat sulok at lugar dito sa unibersidad. Kung minsan ay nakikinig ako pero madalas ay sinusuri ko lang siya. He’s looking at me briefly while explaining pero halatang casual lang ang pagtingin na iyon. Para bang sinusunod niya lang ang isang rule na para maka attract ka ng customer ay kailangan ng eye contact at higit pa doon ay wala na. This is pure business to him habang ang mga lalaki na nadadaanan namin ay halos maglaway na nang makita ako. “That’s all. Any questions?” aniya. Tapos na pero hindi man lang siya nagpakita ng atraksyon sa akin. “Are you gay?” Walang kagatol-gatol kong tanong. Tumaas ang dalawang kilay niya at bahagyang napaawang ang bibig niya. “No,” tipid niyang sagot. “Are you sure?” paninigurado ko. “I’m sure,” paninindigan niya. “I guess, wala ka ng itatanong. Welcome to Northfields University,” aniya at tinalikuran na ako. “Wait!” pigil ko pero mukhang hindi niya ako narinig kaya patuloy lang siya sa paglalakad. I watched him as he walks away. That was the first time that I met Greg and little did I know that he’s gonna turn my life upside down.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD