Sina Simeon DUMATING ang panibagong araw. Payapa ang kapaligiran. Ito na ang panahon upang iwanan ang trabaho ko sa mansyon. Ito na ang huling sandali, magpapaalam na ako. Nabungaran ko sa gate si nanay Wena at nakangiti ako nitong sinalubong. “Naku. Tamang-tama ang dating mo Sina, marami akong iku-kuwento sa iyo. Pero bago iyan magtrabaho muna tayo.” “Ito na po ang huling araw ko, nay.” Expected ko ay malulungkot siya ngunit hindi nagbago ang masaya niyang expression. Huminga siya ng malalim. “Mainam ang desisyon mo, anak. Sa wakas ay makakalayo ka na rin sa kamay ni Carmen...” hindi ko siya tinatapos. “Nay, hindi naman po ako kay aling Carmen lalayo,” mahinang sagot ko. “Ha? Eh, kanino? Kay Vince?”

