bc

Sinag Ng Pag-ibig

book_age16+
49
FOLLOW
1K
READ
revenge
student
drama
humorous
mystery
straight
ambitious
witty
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Sina Simeon is decent and joyful gay who lives in a quiet and peaceful land in the province not until Catripia showed herself and make revenge. Will it be a way for Sina to give up in life? Or will it just be a stepping stone to fight for their rights and meet the love of his life?

Witness the life of Sina as He stands resiliently, falls continuously, and rises up heartly in life.

-This is a new BL story for all! Show support! Spread the love!-

chap-preview
Free preview
Kabanata I: Sorbetes
Sina Simeon “BAKA mahulog kayo diyan. Dahan-dahan lang!” Paalala ko sa mga kapatid ko habang pinapanood silang mag-saya dito sa playground sa lugar namin. Ang sarap nilang pagmasdan at ang pagod ko sa pagre-review ay tila napapawi sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti sa kanilang mga mata at kapag maririnig ko ang mahihina nilang pagtawa. Nandito ako ngayon at naka-upo sa isang upuang semento malapit sa mga bulaklak ng orchids. Sabado ngayon at its diko's duty ngunit kailangan mag-review dahil may mga exams na parating at wala sa bokabularyo ko ang bumagsak. Hangga't kayang mag-multitask ay gagawin ko basta lang mapasaya ko ang pamilya ko nang hindi na isasakripisyo ang pag-aaral ko. “Diko Sina, tignan mo si Vhina tuwang-tuwa. Parang ngayon lang naka-sakay sa swing!” pagtawag sa akin ng nakababata kong kapatid na si Espirita. Tama siya, ang lapad nga ng ngiti ng aming bunsong kapatid, si Vhina. “Mag-ingat kayo diyan at huwag masyadong lakasan ang pag-ugoy. Baka mabali iyang kinakapitan ng duyan kahit bakal iyan. Sige kayo, baka ako ang gawing ulam ni nanay kapag nasaktan kayo, ahahaha!” pambibiro na may halong pananakot ko sa kanila matapos ay mahinang tumawa. “Diko, mahina lang nga itong pag-ugoy oh! Syaka hindi masarap mag-ulam ng tao kaya hindi ka lulutuin ni Mama!” sigaw ni Espirita sa akin. “Hahahah! Oo nga!” tumatawa namang wika ko. Palabiro rin ang kapatid kong ito at sa akin niya nakuha ang ganitong ugali. “Kumakain po kayo ng tao?” inosenteng tanong ni Vhina sa aming dalawa ni Espirita. Mahina man ang boses niya ay sapat na iyon upang marinig ko nang malinaw ang winika nito. Huminto sila sa kanilang pag-ugoy at lumapit ako roon upang ipaliwanag kay Vhina na isang pangbibiro lamang ang sinabi namin ni Espirita. Baka totoohin na naman niya iyon. “Joke lang iyon, Vhina. Alam mo namang pala biro ang diko at ate mo e,” nakangiting paliwanag ko sa kanya. Special kasi ang kapatid naming ito at baka mamaya ay iba ang maging dating sa kanya ng pambibiro namin kung kaya't dapat lang na maipaliwang ito ng maayos sa kanya. “Oo, Vhina. Bad kumain ng tao kaya pambibiro lang iyon. Huwag ka ng maging sad, smile ka na. Gayahin mo kami ni Diko oh,” dagdag ni Espirita, ngumiti ito ng malapad at gayundin ako. Nang mapansin iyon ng aming bunsong kapatid ay mukhang naliwanan naman siya at napangiti na rin. “Ah, joke lang pala. Haha!” tumatawa niyang saad habang naka-ngiti ng malapad. Naku, buti naman at naliwanagan kaagad siya dahil baka kung hindi ay magkaroon na naman ng eskanlado rito sa playground. “Oo, joke lang iyon. Oh, ganda ng smile ah! Ibibili kita ng ice-cream mamaya kapag dumating na si Kuya Cimba,” saad ko. Mahilig kasi siya sa Icer Cream. Iyong sorbetes na tig-limang piso. “Talaga Diko?” maligalig nitong tanong. Nakangiting tumango ako sa kanya at napababa agad ito ng duyan at niyakap ako. “Thank you, diko!” Ang sweet niyang kapatid at napaka-thankful ko na biniyayaan kami ng kapatid na kagaya niya. Siya ang pinakamagandang biyaya sa amin ng Diyos. Hinimas ko ang likod nito at humiwalay siya sa pagkakayapos sa akin. “Oh sige. Basta ingat lang sa pag-ugoy. Hintayin muna natin si Kuya Cimba at bibili kita mamaya. Okay?” sagot ko.  Si Kuya Cimba ang sorbeteros rito sa park at alam kong maya-maya lang ay parating na iyon. “Oo, Diko!” sagot niya. “Babalik lang ako sa upuan ko ha? O, sakay ka na ulit,” saad ko. Inalalayan ko siyang makaupo at nang makakapit siya sa hawakan ay doon ako bumalik sa upuan kanina upang ipagpatuloy ang pagbabalik aral ko sa mga lessons namin. Ang dami kasi nito mga tungkol sa iba’t ibang case about domestic abuse. Siya nga pala nakalimutan kong ipakilala ang saili ko. Ako si Sina Semion, 20 years old at kasalukuyang nag-aaral sa isang unibersidad dito sa amin na kung saan ay kumukuha ako ng kursong Legal Management. Pangarap ko kasi ang maging Legal Advisor someday at buong puso ang paniniwala ko na maaabot ko ito gamit ang pagta-tiyga at ang talino ko. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal na, “It is a useless life that is not consecrated to a great ideal. It is like a stone wasted on the field without becoming a part of any edifice.” “Hoy, bakla!” Nagulat ako ng tawagin ako ng isang bata. Hindi ako tinawag nito sa pangalan ko ngunit batid ko na ako ang sinabihan niya ng bakla. Lumingon ako sa kanya, nginitian ito at hindi na pinansin pa. “Bakla ka na nga, abnormal pa ang kapatid mo! Pamilya ng mga abnormal! Nakakadiri kayo!” Iyan ang mga salitang dumurog sa puso ko. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang salitang iyan ngayong araw at galing pa sa isang batang kagaya niya. Tumingin ako kina Espirita at nakita kong nilalakasan nito ang boses niya sa pagkausap kay Vhina upang hindi marinig ni Vhina ang sinabi sa akin ng bata. Ibinaba ko ang mga handouts ko sa upuan at lumapit sa bata ng nakangiti. “Umuwi ka na sa inyo at baka hinahanap ka na ng nanay mo,” nakangiting salita ko. Ayoko siyang pagalitan kahit napakasakit ng sinabi nito sa akin at sa pamilya ko. Isa lamang siyang batang madungis na kailangan linisin hindi lang ang kanyang panglabas na kaanyuan ngunit pati na rin ang murang baluktot na pag-uugali. Pansin ko ang pagka-payat ng kanyang pangangatawan at lubog na mga mata. Imbis na magalit ako rito ay dumukot ako sa bulsa ko ng limang piso upang ibigay sa kanya. “Sa iyo na iyan. Umuwi ka na sa inyo at bumili ka ng viscuit.” Inabot ko sa kanya ang limang piso at nahihiya pa siyang tanggapin ang maliit na halaga ng kuwarta. “Sa susunod ay maling mang-husga ng kapwa ha. Huwag mo ng uulitin ang ginawa mo. Sige kuhain mo na itong pera at bumili ka ng makakain mo. Alam kong nagugutom ka na,” paliwanag ko sa bata. Nakayuko nitong dinampot ang barya at nagpasalamat sa akin bago umalis. Nang maka-alis siya ay bumalik ako muli sa kinauupuan ko upang ipagpatuloy na muli ang pagbabasa. That is my way to teach children na mali iyong mga actions nila. Hindi naman sa parang pangsusuhol but it’s more on positive thing. In the end, they will realize that doing ethical actions will benefit them in the long run and it is super satisfying. Nang makailang pages na ako nang natatapos basahin ay narinig ko ang pagkalembang ng bell ni kuya Cimba. Sa wakas ay nandito na siya. Katulad nga ng ipinangako ko kay Vhina ay kailangan ko itong ibili ng sorbetes.             “Kuya Cimba,” pagtawag ko sa tindero. Mabuti at agad niyang narinig ang boses ko gayundin ng mga kapatid ko. Lumapit ako kina Vhina upang sabay naming salubungin ang tindero ng sorbetes.             “Dalawa tig-five po kuya Cimba,” sambit ko nang makalapit kami kay kuya.             “Hello po kuya Cimba, kanina pa po namin kayo hinihintay ni diko at ni ate. Medyo ang tagal niyo po,” bati ni Vhina kay kuya Cimba. Halatang-halata na gustong gusto na niyang makakain ng ice-cream. Napangiti si kuya sa naging salubong sa kanya ng aking kapatid.             “Naku, ang cute-cute mo talagang bata ka. Dahil sa natutuwa ako sa iyo ay bibigyan kita ng mas maraming ice-cream. Gusto mo ba iyon?” wika ni kuya Cimba. Napatalon ang kapatid ko sa narinig niya kay kuya Cimba kung kaya’t nagdulot sa akin ito ng munting kasiyahan.             “Kailan ba ang fiesta sa barangay niyo Sina?” kausap sa akin ni kuya Cimba habang siya ay nagsasandok ng ice-cream.             “Ahm…sa susunod na araw na po kuya Cimba. Maaari po kayong pumunta o dumaan sa bahay kung gusto niyo. Isama niyo na rin po ang pamilya niyo. Welcome po kayo sa amin,” pang-iimbita ko sa kanya.             Matapos nitong magsandok ng isang pang ice-cream ay inabot niya iyon kay Vhina.             “Salamat, kuya Cimba!” sambit ni Vhina at kinuha ang Ice cream.             “Oh, Vhina, dahan-dahan sa pagkain ha baka madumihan ka,” saad ko. “Espirita, tignan mo si Vhina,” bilin ko kay Espirita.             “Malalaan Sina. Sige nga’t makaraan na nga rin kapag nagtinda ako sa gawi niyo,” sagot ni kuya Cimba sa alok ko sa kanya kanina. Matapos nitong mag-scoop ng kanya-kanya naming ice cream at ilang kwentuhan ay umalis na ito upang makapagtinda at makarami ng benta.             Umupo muna kaming magkakapatid sa isang upuan at kinain ang matamis na sorbetes ni kuya Cimba. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.7K
bc

His Obsession

read
75.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook