Sina Simeon
“JANA!? Jana! Magsigising kayo riyan!” Minulat ko ang mga mata ko dahil sa magkakasunod na pagtawag sa labas ng bahay namin. Nang maidilat ko ang mga mata ko ay napag-alaman kong madalim pa ang paligid. Alam kong katutulog ko pa lang dahil biglang kumirot ang sintido ko.
Kinusot ko ang mga mata ko upang matiyak kung nananaginip ba ako o hindi.
“Shet!”
Napasigaw ako dahil sa mabilis na paghulog ng butiki sa binti ko. Tanda lamang ito na ako ay nasa kasalukuyang reyalidad at hindi gising sa panaginip. Tumulong ang butiki upang bumalik ang diwa kong pagod at humihiling pa ng karagdagang pahinga.
“Janaaa!!!” Naulit ang malakas na pagsigaw. Iba ang dating sa akin ng mga sigaw na iyon. Bakas ko ang mahalagang balita na kailangan nitong ihayag dahil sa pang-aabala sa aminn sa gitna ng aming pagpapahinga. Inayos ko ang sarili ko at tumayo para lumabas ng bahay at alamin kung ano ang sadya ng babaeng kanina pa sigaw nang sigaw. Sakto, nang makarating ako sa pintuan, nakita ko si nanay.
“Sino po ba iyon, nay?” tanong ko rito at bahagyang napahikab.
“Parang boses ni Elvie iyon,” mahinang sagot ni nanay sa akin. Sinilip ko ang kuwarto nila, nakita ko ang dalawa kong nakababatang kapatid na mahimbing pa rin na natutulog.
Binuksan namin ang pintuan ng bahay. Natanaw ko ang dalawang babae sa nakatayo sa labas.
“Jana! Mabuti naman at nagsigising na kayo,” ang sabi ng isang ale. Si ate Melda ata siya.
“Ano ba iyon Elvie at Melda? Aba’y anong oras na. Nagpapahinga na kami,” sagot ni nanay sa mga ito. Napansin ko ang tumatagtak na pawis sa mukha ng dalawa naming kapitbahay. Sa hingal nila ngayon, tila may hindi normal na nagaganap.
“Si Azusulayta, wala nang buhay!” Natulala kami ni nanay sa balita ng mga ito. Napatakip ako ng bibig. Sinampal ko ang sarili ko sa pangalawang pagkakataon para makasigurado na hindi ako nabubuhay sa isang panaginip.
“Ha-ha? Pa-paano po nangyari iyon? Hindi po ba ito prank?” kinakabahang tanong ko sa kanila. Walang bakas ng pambibiro sa mukha nila, hinahayag ng mga mata nito ang kaba at kalungkutan.
“Sumunod kayo sa amin…” wika ni aleng Elvie at nagsimula nang maglakad ng mabilis. Sinara muna ni nanay ang pintuan ng bahay bago kami tuluyang sumunod sa kanila. Ang direksyong tinatahak namin ngayon ay ang direksyong papunta sa gulayan namin.
‘Totoo kaya ang sinasabi nila? Sino naman kaya ang gagawa no’n kay tita?” Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang magtanong.
Mabilis ang paghakbang ng aming mga paa. Napakatahimik ng paligid dahil nga sa madaling araw pa lang. Bilang ang mga taong gising sa mga oras na ito. Wala akong paki-alam sa mga hamog na kumakapit sa aking paa at binti. Ang nais ko lang ay malaman kung may katotohanan ba ang tinuran ng dalawa aleng nangunguna nang paglalakad sa amin. Patuloy kami sa paglalakad ng mabilis hanggang huminto sina ate Elvie at Melda.
Otomatiko akong sinukluban ng malamig na tubig nang makita ko ang paligid. Unang pumukaw ng aking pansin ang gutay-gutay naming gulayan. Mabilis akong nilamon ng sakit na comatose dahil pigilan ng sitwasyon ang paggalaw ng mga bisig ko. Binaling ko ang paningin ko sa gilid, mas nanginig ang katawan ko dahil sa nakahandusay na katawan ng aking tiyahin na naliligo sa sarili niyang dugo, putok ang kaniyang ulo.
“Titaaaaaaa!” Malakas na hiyaw ko. Tinignan ko si mama at nakita ko ang pag-upo niya sa lupa kasama ang malakas na panangis.
“Tita, gumising ka riyan. Sabi mo ay magma-mine ka pa sa f*******:? Tumayo ka po, please. Hindi ka bagay na maging pranker. Strong ka ‘d iba? Ayan ang parati mong pinapakita sa amin.”
Kahit anong tarantang gawin ko, hindi na nito mababago ang katotohanan, wala nang buhay ang tiyahin ko.
Sa lakas ng boses namin, hindi ito nakawala sa mga tainga ng mga kapitbahay. Maya-maya lang, pinalibutan kami ng mga itchuserang mga nilalang- ang iba ay may paki-alam at mayroon naman na gustong maki-isyoso lamang. Pinakiramdaman ko ang pulso ni tita ngunit wala na talaga itong buhay.
“Sino ang may gawa nito?! Mga wala kayong puso! Ano pa bang gusto niyo sa pamilya namin!? Sinira niyo na ang palayan namin! Hindi pa kayo nakuntento! Tapos ngayon itong gulayan at buhay ng ate ko ang isusunod niyo!?” panangis ni nanay habang nakaluhod sa d**o. Awang-awa ako sa kaniya ngayon.
“Hala. Anong nangyari sa kaniya?”
“Tang-ina ng mga taong may gawa nito!”
“Mga hayop!”
“Akala ko ay matagal mamatay ang masamang d**o?”
‘Tila pinabayaan na nga kami ng Diyos; hinayaan niya kaming pagsukluban ng langit at lupa.’
“Ateeee!” Nakita ko ang pagdating ng pamilya ko. Lumabas sa mga mata nila ang pagdaloy ng daluyong ng luha. Hindi ko ibig silang makita na gan’yan ang sitwasyon. Hinang-hina ako. Gula-gulanit na ang puso ko at punong-puno ang isip ko ng mga bagay na hindi makatutulong sa sitwasyon. Pinipilit kong maging matatag pero sobra-sobra na ang isang ito. HINDI KO NA KAYA.
“Kapitannn!” Ito ang huling salitang narinig ko bago ako takasan ng ulirat.
*****
“WALA sa usapan natin na pumatay kayo!” galit na hasik ng lalaki sa tatlong adik na nasa harapan niya. Inutusan niya ang mga lalaking ito na wasakin ang gulayan ng mga Simeon. Pero mas madugo ang kinahinatnan ng nangyari. Nakakuyo ang tatlong lalaki, nangingig din sa takot. Sa oras na ito, bumnalik sila sa normal na katauhan dahil sa paghampas sa kanila ng lalaki gamit ang malapad na dospordos. Naririto sila sa abandonadong lugar na binabalot ng matinding kadiliman.
“Kung hindi namin siya pinatay kapitan, delikado tayo. Nakilala niya kami. Kami naman ang mabubulyaso,” sagot ng isa.
“Wala dapat makalaam nito! Maliwanag ba? Magpakalayo-layo na kayong tatlo.” Inabutan ng lalaking pasimuno ang tatlong adik na puno ng pasa ang katawan ng malaking salapi para lumayo at magsimula ng bagong buhay.
‘Walang sinuman ang dapat makaalam sa lihim namin.’
Sa kabilang banda, kanina pa nakasunod sa kanila si Maxine at narinig nito ang lahat ng pinag-usapan ng mga lalaki sa loob. Maingat niyang kinubli ang sarili upang hindi maramdaman ng mga ito ang presensya niya.
‘Si Ignacio ang may pasimuno ng pagpatay?’ Kinakabahang tanong nito sa sarili. Akmang aalis na siya ngunit hindi niya kabisado ang lugar kung kaya’t sa kasamaang palad nabangga niya ang sirang bintana na nakatabi sa gilid at lumikha ito ng malakas na ingay.
“Sino iyannn?!” ang sigaw ni Ignacio. Kinabahan siya dahil alam nilang may ibang nakarinig ng mga pinag-usapan nila bukod sa kanilang apat. Tumungo siya sa pinanggalingan ng ingay at nakita niya ang anino ng kung sinuman, kabisado niya ang lugar kung kaya’t dumaan siya sa palisyo bilang shortcut at hinatak niya sa buhok ang babae. Tinakpan pa ang bibig nito upang hindi makagawa ng ingay.
“Tatakas ka pa ha!”
“Bitiwan mo ako Ignacio! Alam ko na ang lahat! Ikaw ang may sala!”
“Kailangan mo nang patahimikin, marami ka nang nalalaman.’
MAKALIPAS ANG ILANG ARAW
Sina Simeon
DINILAT ko ang mga mata ko sa katotohanan, katotohanan na wala na ang aking tiyahin. Gayundin, sira na aming gulayan. Kasalukuyan akong naka-upo sa labas ng bahay niya nang lumilipad ang aking isip. Ito ang mga huling sandali na makakasama namin siya. Alam ko na marami siyang nagawang pagkakamali sa amin, ngunit kahit kailan hindi ko hinangad na ganito ang sapitin niya.
Dalamhati ang bumabalot sa pamilya namin. Sa mga araw na lumipas, ngayon, masasabi ko na kahit kaunti ay nahimasmasan na ako sa mga nangyari. Sinara ko na ang pagtatanong kung totoo bang nangyayari ang lahat ng ito. Pero dalawa matang nakabukas ang mapag-usisang kamalayan ko upang siyasatin kung sino ang may kagaganawan ng lahat ng ito.
“Anak, alam ko na sa oras na ito, hindi mo pa mauuwaan ang dahilan kung bakit ibinigay ng Diyos sa pamilya mo ang lahat ng problemang kinahaharap niyo ngayon. Huwag kang mawawalan ng pag-asa at sa ganitong hamon ng buhay, maslalo mo pang higpitan ang kapit at pananalig sa kaniya. Darating ang araw, mauunawaan mo rin na ang mga hamon na ito ay isang matibay na pundasyong inalay sa iyo ng Diyos upang mas maging matatag kang harapin ang anumang hamon ng buhay. May kanya-kaniya tayong kuwento. Nagsisimula pa lang ang kuwentong binubuo mo, huwag kang panghinaan ng loob, nand’yan ang pamilya mo sa tabi mo, at higit sa lahat, nand’yan ang ating Panginoon.”
Ayan ang payo sa akin ni Father na siyang tumulong upang alisin ang lahat ng madilim na pag-iisip na mayroon ako noong mga nakaraang araw. Marami ang nag-abot sa amin ng kanilang pakikiramay.
“If you need someone, I’ll always be here for you.”
Ito ang sinabi ni Vince sa akin, ngunit ayaw ko muna ng ibang kasama. Hindi ko gusto na abalahin sila sa pag-aaral at sa mga sarili nilang buhay. Pagsubok ito sa pamilya namin. Na-appreciate ko ang tulong nila pero mas ika-luluwag ng puso ko kung irerespeto nila ang desisyon ko. Malaki ang naitulong ng binigay niyang panyo sa akin, ngayon ay nagagamit ko ito sa pagluha ko. Ito ang laman ng kahon na inabot niya noong nakaraan.
“Sis, don’t worry, I am doing some your school works. You don’t have to be haggard for these. Lemme do my part for you.”
Ang saya lang dahil mayroon akong kaibigan na katulad ni Nicole. Hindi man gusto ng aking isipan na ipagawa ang mga gawain sa kaniya. Siya na ang nagpumilit, saka niya nalang daw ituturo sa akin ang mga nakaligtaan kong lessons kapag tuluyan nang maluwag ang puso at isip ko.
“Take rest, mukhang ilang araw ka nang nagbabantay riyan,” saad ni Xian sa akin. Nandito siya sa tabi ko, after niya makagaling sa University. Hindi ko naman siya nabibigyan ng sapat na oras dahil abala rin ako sa pakikipag-usap sa mga dumadalaw.
“Salamat. Ikaw rin, umuwi ka na sa iyo baka may gagawin ka pa at hinahanap ka na ni Kapitan.”
“Wala naman akong gagawin, lemme stay here.” Ngumiti siya sa akin. Hindi ko alam sa lalaking ito pero simula nang mag-overnight ako sa kanila, parang nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Kung dati, aabutan niya lang ako ng gawain, ngayon ay may-concern na rin.
“Oh, mag-meryenda ka raw muna, fafa Xian sabi ni mamita Jana.” Sumulpot sa harapan namin ni Xian si Kalay. May dala siyang mainit na sofas at malamig juice. Binaba niya ito sa lamesa, at naupo sa tabi namin.
“Bakit hindi mo kasama si Justine?” tanong ni Kalay kay Xian. “Ang tagal ko na siyang hindi nakikita. Miss na miss na siya ng puso ko.” Humawak siya sa dibdib niya at nag-inarte na tila lumbay na lumbay sa buhay.
“Hindi naman ito birthday party Kalay para mang-imbita. Hindi naman si Xian ang namatayan,” sagot ko. Tumahimik na siya at binalot ng katahimikan ang paligid.
“Ibang-iba ang kultura sa inyo no? Sa probinsya kasi namin, kapag may patay, hindi kami nalulungkot, may banda pa nga at kantahan. Ang bongga no?!” pagbibida ni Kalay.
Nagkuwentuhan lang kami hanggang sa dumulim at napagpasyahan na nilang magsi-uwi.