Sina Simeon PAANO kung ang hustisyang hinahangad natin ay hindi kayang ibigay ng batas at tadhana na ang putong ng kalupitan sa ginawa nila? “Xian, pumasok kana sa loob. Masyado nang malakas ang ihip ng hangin.” Niyakap ko ang boyfriend ko sa likod niya. “Pinagmamasdan mo na naman ba ang karagatan?” tanong ko habang nilalaro ang buhok niya. Naramdaman ko ang nanlalamig niyang katawan. Tama lang ang dating ko to give him the warmest hug he needed right now. “Ah…. just remembered what happened years ago,” sagot nito sa akin. Napansin ko ang maliit na bote ng wine na hawak-hawak niya sa kaliwang kamay. Tumungga siya, at humarap sa akin. “Bakit hindi ka pa natutulog? Marami ka pang papers na aayusin sa company, right?” Ngumiti ako sa kaniya

