Sina Alonzo “AH sir, pumunta na po ako rito. Kailangan na raw po kasi ang contract sa opisina. Bali tanong ko lang po kung napirmahan na?” tanong ng sales representative na si Bea kay Xian. Pinaupo namin siya sa living room. Siya ang nag-text sa phone ni Xian kanina. Akala ko naman kung sino na ang mga bisita niya. Ang ikli ng suot na skirt nitong si Bea. Tipid na tipid naman sa tela. “Ah, we signed it na. Kuhain ko lang sa files,” ako na ang sumagot. Gising na rin si Xian, dahil tinanong ko sa kaniya kung sino ito. Sakto naman nang lumingon ako sa bintana ay nakita kong may nakahintong kotse sa harap at may kausap si Anastacia. Kinutuban akong siya na iyon, at tama naman ako. Habang papaakyat ako ay kasalubong ko si Marcus. “Hey, good morning, Sina. Where’s my baby?” “She’s on t

